NYX “Tang ina…” Mariin na mariin na mura ko at agad na kumilos para bumaba sa kama pero na-realized ko na hubo’t hubad nga pala ako. At ngayong nakaharap ako sa magiging customer ko ay mas lalo akong napamura dahil para ko na ring binebenta ang katawan ko sa kanya! “Teka lang!” Bulalas ko at saka napatingin ulit sa gawi ng kama. Hindi ako magkandatuto sa pagtakip sa katawan ko gamit ang mga palad! Sumampa ako sa kama at saka mabilis ang kilos na binalot sa katawan ko ang comforter. Sinigurado kong maayos na ang itsura ko bago ako muling humarap sa lalaki. “Hi!” Wala sa sariling bati ko sa kanya at saka alanganin siyang nginitian. Kitang-kita ko ang pagtaas ng kilay niya habang nakatingin sa akin kaya hindi ko tuloy alam kung paano akong magpapatuloy sa pakikipag usap sa kanya. “Fix yo

