NYX “I told you… I just came here because I knew you’d be here tonight…” Kanina pa ako nandito sa bahay pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko sa brothel ng Red Lily. At dahil kaibigan ni Kiran ang lalaking nakaka-sēx ko ay pasimpleng nagtanong ako sa kanya kung may alam siya kung paano ang proseso ng pagkuha ng mga sēx worker sa brothel. He doesn’t seem to know anything, that's why I stopped asking. Masyadong maraming tanong ang naglalaro sa isip ko dahil sa mga nakita ko kanina. Hirap na hirap tuloy akong makatulog lalo na at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makontak si Zia. Kanina nang umalis ako sa brothel ay wala na siya. Siguradong tapos na ang business niya sa lugar na ‘yon kaya umalis na rin siya kagaya ng ibang empleyado na nakita ko doon. Ala una na ng mada

