NYX “What the hell is this?!” Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang magmura ang Mama ni Tam. Kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan at ako ang nagluto ng bulalo na nirequest niya. Tinulungan naman ako ni Tam na mag-search ng recipe sa online pero mahirap talaga sa simula kaya ang sabi ni Tam ay imposible daw na ma-perfect ko kaagad. “Bulalo po,” sagot ko. “Hindi po ba at yan ang ulam na nirequest ninyo na lutuin ko?” “Is this a bulalo?” Nakataas ang kilay na tanong ni Tamiko. Tumango ako sa kanya. Nakita kong inusisa niya ang nasa bowl niya at saka nakangiwing tinaas ang karne ng baka. “I don’t think this piece of beef is edible enough to eat.” “Tamiko, kumain ka na lang. Hindi ka rin naman marunong magluto!” Narinig kong saway ni Tam sa kakambal pero ngumuso lang si Tamiko. “Mama,

