Read this chapter at your own risk (!!!!) NYX “K-Kuya…” Parang nadudurog ang puso ko habang nakatingin kay Kuya Filipp na halos magwala na matapos mabasa ang laman ng diary ni Zia. Sabay kaming umiiyak pero dahil nauna na akong nakapagbasa sa diary ay mas lamang na ang galit na nararamdaman ko ngayon kesa ang umiyak at magmukmok sa isang tabi dahil sa ginawa ng mga Van Doren kay Zia. Bago ako ihatid ni Astrid dito sa bahay namin ay pinilit ko siyang sabihin sa akin kung ano ang ginawa ni Lilith at ng mga tauhan nito kay Zia. Hindi kaya ni Astrid na sabihin ng diretso sa akin ang mga nangyari kay Zia sa Germany kaya kahit nag-aalangan siya ay may pinapanood siya sa akin na isang footage kung paano pinatay si Zia. Halos manginig ang buong katawan ko sa galit habang pilit na tinatapos a

