NYX Pagkatapos ibigay sa akin ng neurosurgeon na nakasama ni Zia sa Germany ang diary niya ay buong gabi na naman akong umiyak pero hindi ko pa binabasa ang laman ng diary niya. I feel like I am just going to miss her even more if I ever read the content of her diary. The next morning, Dad came to my room. Galit na galit siya at mukhang wala na siyang balak na ibaling ulit kay Mommy ang galit sa akin kundi direkta na sa akin mismo. “Did you really get married in Germany?” Namilog ang mga mata ko at napatayo habang hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. “D-Dad… How did you know–” Isang malakas na sampal ang sumalubong sa pisngi ko. Mariing napapikit ako at napahawak sa pisngi ko na tinamaan ng palad niya. It felt numb for a few seconds while I realized that it was the first time h

