PRIAM Kanina pa parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na umiinom dahil hindi na naman ako makatulog. It’s been almost a week, but Filipp’s words are still consuming my mind. Mabuti na lang at nakakapagtrabaho pa ako ng maayos. Pero sa tuwing uuwi ako dito sa bahay ay hindi ko maiwasan na maalala ang mga sinabi niya bago siya tuluyang umalis at bumalik sa pamilya niya. “f**k…” Mariing mura ko sabay baba sa baso ng whiskey. Halos maubos ko na naman ang isang bote kaya siguradong masakit na naman ang ulo ko bukas ng umaga. Inis na inis ako habang sapo ang noo dahil hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Filipp. Halos isang linggo rin siyang tulala kahit na nakabalik na kami dito sa Pilipinas. Si Nyx ay hinayaan ko lang na umalis at bumalik

