NYX “I’m full…” Napatingin sa akin si Priam. Bumaba ang tingin niya sa plato ko na may pagkain pa na natira. May mga ulam na hindi pa nagalaw dahil hindi ko nagustuhan ang lasa. Hindi siya nagsalita at nanatili lang ang titig sa akin. Medyo humilig ako palapit sa kanya para magtanong. “Gutom ka pa ba?” tanong ko. Wala ng laman ang plato niya at mukhang hinihintay niya na lang na matapos akong kumain kaya hindi pa tumatayo. Hindi siya sumagot pero gumalaw at kinuha ang plato ko at sinimulang kainin ang mga natira kong pagkain. Nakita kong tumigil sa pagkain si Kuya Filipp at saka tumingin kay Priam. “Ay! Ang sweet!” Komento ni Polly na nakatingin din pala sa amin! Napatingin si Kuya Filipp sa kanya at saka binalik ang tingin sa amin ni Priam. “Disgusting…” Naiiling na komento niya kay

