NYX “What the hell are you doing here?” Hingal na hingal pa ako at nanlalambot ang mga tuhod matapos ang mainit at nakakahingal na ginawang pag angkin sa akin ng lalaking hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan! Wala naman talaga akong balak na ma-involved pa sa kanya kaya hindi ko na ulit sinubukang tanungin ang pangalan niya. Kaya lang ay hindi ko alam kung paanong sa tuwing mapapalapit ako kay Kiran ay palagi na lang siyang sumusulpot! Sure, they are friends but–I am not liking this! Dapat ay hindi na kami nagkikita lalo na at pareho naming alam na kapag nalaman ni Kiran na may nangyayari sa aming dalawa ay pareho kaming malalagot! Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy lang ang paninigarilyo sa gawing balcony! He seems relaxed even after what happened to us! Napasinghap ako at

