NYX Hindi ko alam kung ilang beses ko nang namura sa isip si Kiran habang papunta pa lang kami ni Kuya Filipp sa bachelor party nito. Palingon lingon sa akin si kuya dahil pagkatapos kong murahin si Kiran ay nanahimik na ako. Mabuti na lang at nabanggit ni kuya sa akin bago pa ako doon mismo magwala sa party niya mamaya! “Say something. You are scaring the shìt out of me…” Mariing napapikit ako nang narinig kong nagsalita ulit si Kuya Filipp. Papasok na ang sasakyan niya sa parking space ng Van Doren Building kaya mas lalong kumukulo ang dugo ko habang palapit kami nang palapit sa kinaroroonan ni Kiran. “Don’t worry, kuya. I won’t make a scene there,” walang ganang sambit ko dahil alam kong iniisip niya na baka kung ano ang gawin ko mamaya sa party. Sa totoo lang ay kung gagawa ako ng

