PRIAM “Boss, napag isipan mo na raw ba?” Matt entered the room and asked me about the offer from their organization. Ang plano ko lang ay pakasalan si Nyx para tuluyan ko siyang maagaw kay Kiran. Pero ang organization nina Lorcan ay merong mas magandang offer sa akin para mas mapakinabangan ko si Nyx Larsen at makapasok sa mundo ng mga Van Doren. Bago pa ako makasagot ay pumasok din dito sa kwarto si Lorcan. Seryosong seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin kaya binalingan ko si Matt para hayaan muna kaming makapag usap. Tumango lang siya at saka lumabas para iwanan kami. “Why didn’t you tell me that you personally know my dad?” Seryosong seryoso ang mukha ni Lorcan at halatang hindi inaasahan na malaman na magkakilala kami ng daddy niya. I was in the US when I accidentally

