PRIAM “Rouie… Damn it!” Hindi ko mapigilan ang magmura nang mawalan ng internet connection. Rouie has been throwing tantrums since she woke up. Pagkagising niya ay dumiretso siya agad dito sa opisina ko at hinanap sa akin si Nyx. Nang sinabi kong pinaalis ko na dahil kukuha ako ng bagong yaya niya ay hindi na siya tumigil sa “panggugulo” sa mga ginagawa ko! Kanina ay nagmistulang christmas light ang mga ilaw dito sa opisina ko dahil patay-sindi ang ginagawa niya. Binalewala ko ang ginagawa niyang pangungulit dahil naisip ko na magsasawa rin siya kung hindi ko papansinin. Nagpatuloy lang ako sa paggawa ng report hanggang sa nakaisip na naman siya ng paraan para hindi ako makapagtrabaho ng maayos! Napasandal ako sa office chair at saka hinilot ang sentido. Ilang oras niya pa lang na naka

