NYX Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong hindi mapakali nang nasa sasakyan na kami at bumabyahe papunta sa kung saan kami ikakasal. Hindi ko rin mapigilan na sulyapan siya nang sulyapan dahil bukod sa sobrang bango ng gamit niyang pabango ay para siyang naging ibang tao sa paningin ko. He looks formal! O baka naman masyado lang na formal ang suot niya kaya mas lalong nakakaintimidate ang itsura niya? Kung alam ko lang na ganito ang magiging porma niya edi sana ay nag-abala akong mag ayos kahit na papaano! Baka mamaya ay mas maganda pa ang suot ng ininvite niya para maging witness sa kasal namin! “What’s wrong? Are you nervous?” Napakurap ako at na-realized ko na nakatitig na naman ako sa kanya. His side profile is almost perfect! Parang sayang naman kung mamamatāy lang siya

