NYX Pagdating namin sa bahay nila Tam ay hindi na ako nagulat sa laki at luwang ng bahay nila. Mas lalo akong nagulat nang sabihin niya sa akin na tatlo lang sila na nakatira sa bahay nila. “Kambal? May kakambal ka?” Hindi makapaniwala na tanong ko nang sabihin sa akin ni Tam na may kakambal siya na babae rin. “Yes, Nyx! Magkamukhang magkamukha kami pero magkaibang magkaiba!” Bulalas niya. Hindi ko alam kung masaya siya sa pagsasabi sa akin na magkaiba sila ng kakambal niya. Pero habang pinag uusapan namin ang kakambal daw niyang si Tamiko ay biglang sumakit ang ulo ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil parang hindi ko na naman kinakaya ang sakit ng ulo ko. Napasapo ako sa noo at napapikit. Ilang sandali lang ay may narinig na akong boses ng babae sa isip ko. Mukhang kagaya ni Tam ay m

