Mika Kumatok ako sa clinic ni Beatriz bago iyon buksan. Niyaya ko siya maglunch sa McDo dahil nagc-crave ako ng McNuggets nila. Siya na ang umorder para sa aming dalawa kaya naghanap na lang muna ako nang mauupuan namin. "Ate oh." Sabi niya at nilapag ang order namin. "Kuha kamo ako nang kuha ng french fries habang naghihintay sa counter, hindi pala sa akin yung kinukuhaan ko." Tawang tawa niyang kwento. "Anong sabi sayo nung may-ari?" "Wala, nginitian niya lang ako." Sagot niya at umismid. "Pero pinalitan ko, nakakahiya kaya." "Oo, nakakahiya ka talaga." Natatawa tawa ko na ring sagot sa kabaliwan niya. "Ang mahalaga, pinalitan mo." "Ay, ayan humuhugot ka nanaman e." Iiling-iling niyang sabi hahang tumatawa. "Pero okay ka na ate? Okay ka nang ikakasal siya sa iba?" Tanong niya nang

