Jia
Palabas na ako ng office habang kinakalkal ang bag ko dahil hindi ko makita ang wallet ko. Napansin ko naman na ang daming taong nagkukumpulan kaya tinanong ko si Blue kung anong meron.
"Girl! Bruha ka!" Sabay sabunot niya sa akin kaya naman sinabunutan ko siya pabalik.
"Masakit ha." Kunot noo kong sabi sa kanya at inayos ang pony ko.
"Tignan mo naman ang nasa tapat ng office natin!" Excited niyang sabi at hinatak ako papunta sa harap ng nagkukumpulang tao.
Nabigla naman ako sa nakita. Isang kotse na may decals na "I'm Sorry Jia, I mean it." I knew for certain kung sino ang may pakana nito. Marahil ay nakita niya na ako kaya bumaba siya ng kotse. Nagpigil naman nang kilig ang iba kong mga kasamahan.
"Girl di mo sinabing kilala mo si Dr. Weird." Sabi nung isa. Sikat kasi talaga silang magkapatid, they're very well known sa fields nila plus, young achiever dahil bata pa nga pero ang layo na nang narating nila.
"Hi." Sabi ni Bea at inabutan ako ng isang paso. "Uhm, di pa siya sumisibol kasi 5 days ko pa lang siyang naalagaan. Can you accept this as a token of a brand new start? I mean, let's be friends. Please?" She pleaded with her papi smile plastered on her face.
"Doc, di ako makahinga, pwede niyo bang i-check ang puso ko?" Sabi ni Andrew.
"Doc, CPR please." Sabi ni Macy.
"Tigilan niyo nga si Beatriz." Sabi ko sa kanila at hinatak si Bea papunta sa kotse niya.
"Hey, I really didn't want to make it this big. Ikaw lang naman talaga pinunta ko." Nakapout niyang sabi. "Friends na tayo please?" Muli naman niyang pinakita ang maliit niyang paso.
"Pag ba umoo ako titigil ka?" Tanong ko at kinuha yung paso niya.
"It depends if you're sincere or not. Baka kasi tinataboy mo lang ako." She looked away at nilagay na ang kamay niya sa kanyang bulsa. Ganyan siya kapag uneasy siya.
"Okay." Napatingin naman ako sa paligid at nakitang nakatingin pa ang mga ka-officemate ko. "Let's talk inside."
"How about let's go on a Pizza date? All cheese." Ngiting ngiti niyang sabi.
"So you did your research ha?" Kasi favorite ko yun.
"No. Yun kasi yung gusto ko." Natawa ako at binatukan siya. "Joke. Yes, of course I did.'
Tahimik lang naming binaybay ang daan papunta sa isang Pizza Parlor. Agad naman siyang umorder ng maliit na All Cheese at tig-isang order ng pasta.
"Hi, I'm Bea, and you are?" Inoffer niya ang kamay niya at nginitian ako.
"I'm Jia." Nakipagshake hands naman ako sa kanya. "Friends?"
"Maniniwala lang ako kapag inalagaan mo yung binigay kong paso sayo." Wow, look at how persistent she is.
"Bakit ba may ganun?"
"Wala, para maiba naman." She grinned. "And so that may reason ako para kausapin ka."
"You really are weird."
"I am."
Maybe a new start would be great.
*****
Mika
"You really didn't have to fetch me." sabi ko nang makaalis si Rad.
"Just making sure na you won't ditch me." nagcross legs naman siya showing her white thighs as if that would have an effect on me.
"I'm true to my words Rhi, you know that very well." sabi ko at tumayo na saka hinubad ang coat ko. "Tara na, gutom na ako."
She clung her arms sa braso ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Thank you sa pag-payag." she said with a sweet voice.
"Wag ka munang umasa, I'm open to dating pero hindi ibig sabihin nun babalikan na kita." natatawa kong sabi sa kanya.
I hold no grudge against her kahit siya yung nakipagbreak noon. Okay lang naman sa akin since sobrang focus ako sa pag-aaral ko nung mga panahong iyon. I have set my goals and if there is someone na makakaintindi nun, then ang swerte ko but kung wala, I have no time for bullshits. Nasaktan ako, given na yun, pero naiintindihan ko naman na madami akong pagkukulang sa kanya, and she deserves to feel love at all time which I can't do nung nag-aaral pa ako.
Nagtungo na kami sa kotse ko since nagpa-drop off lang naman siya sa driver niya. She even fastened my seat belt for me. She's sweet and kind, there's no reason to not like her again at all, well except her brother. Siya lang naman ang no. 1 enemy ko pagdating sa relationship namin ni Rhi noon and I think, he's still against about Rhi and I dating.
"Babe." she called out while reaching for my hand. "Ako na lang ulit."
Natawa naman ako. "Para kang bata." sabay pat ko sa ulo niya.
"I should have supported you before instead of being a selfish brat." she filled the spaces between my hands, napangiti ako since it was years ago since someone did this, at siya din iyon, siya ang last. Honestly, I missed being held like this, but I am not swayed easily lalo na at wala na yung kilig factor.
"Hayaan mo na yun, wala ka naman nang magagawa sa nangyari noon." sabi ko without letting her hand go. Hinayaan ko lang siya sa gusto niyang gawin pero hindi ko hinawakan iyon sa paraang gusto niya.
She let out a sigh, tiningnan ko lang siya at nginitian at pinagpatuloy na ang pagmamaneho. We had a simple lunch date sa fave niyang restaurant. Fine dining, maigi na lang at dala ko ang card ko. This girl doesn't settle for less dahil their family is wealthy kaya ang hirap mag keep up sa lifestyle niya, ako nga e Apple lang masaya na. Okay lang naman din sa akin, but mas gusto ko pa din maging practical.
After ng so called date namin ay hinatid ko na siya sa restaurant ng kuya niya. Halos 7 pm na din nang makarating kami since namasyal pa kami. Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. I offered my hand para tulungan siyang makalabas.
"Thank you for today babe. You don't know how happy I am just to spend a day with you." Wika niya.
"Thank you for today too." I smiled at her.
"I really do hope masundan pa ito."
"I'm open sa dating natin Rhi, but I do hope you'll understand if I cannot commit." Inunahan ko na siya since medyo busy talaga ako, like dapat manonood kami ni Beatriz ng sine ngayon but nakiusap ako na bukas na lang and told her about this.
"Ofcourse, babe. Natuto naman na ako." Natatawa niyang sabi. "Pasok na ako, kuya's waiting."
"Sure, ingat kayo pauwi and send my regards to Marco." Lumapit naman ako para makipagbeso sa kanya but to my surprise she kissed me on the corner of my lips.
"Take care, babe." Then she gave me a kiss on my cheek.
Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad papasok, nakita ko naman si Rad na nakatayo lang sa gilid, anong ginagawa niya rito?
"Wa-wa-wala akong na-nakita!" Depensa niya.
"I really don't mind if you saw that. Bakit ka nandito?" Tanong ko.
"Uhm, pinapunta ako ni manager, ni Marco."
"Oh, so dito ka pala nagwowork na." I put my hands at the back at nilapitan siya. "Pauwi ka na?"
"Oo." Maikli niyang tugon.
"Hatid na kita." Sabi ko at bigla naman siyang tumawa.
"Para mong inuwi yung asawa mo tapos sumundo ng kabit."
Natawa ako sa sinabi niya, nakuha niya pa talagang makapag-isip ng ganoong bagay. "Bakit mo naman iisipin yun? Pasyente naman kita ah? May kasama ba dun?"
"Ah wala, wala! Wala talaga!"
"Gabi na Rad, bakit gabi ka pinapunta ni Marco? Wala ka namang pasok ah."
"May inabot lang po." Sabi nito. Pwede namang sa Lunes na, hindi ba makakapaghintay iyon?
"Sumakay ka na." Sabi ko at nagtungo na sa kotse ko saka binuksan ang pinto sa harap.
Wala naman na siyang nagawa kundi ang maupo roon. Tahimik lang siya habang nakatingin sa labas, tulala na hindi mo maintindihan kaya nang tumunog ang phone niya ay nagulat siya. Hindi ko napigilan ang sarili ko matawa kaya sinamaan niya ako nang tingin.
"Ayan kasi, kung sino sino iniisip mo, nandito naman ako." Biro ko sa kanya at binigyan naman niya ako nang di makapaniwalang expression. "Relax, di naman kita sasaktan."
"May iniisip lang ako, wag mo na akong pansinin."
Itinigil ko naman ang sasakyan kaya tinaasan niya ako nang kilay, sobrang sabog ng taong to. "Baba na. Nandito na tayo, sobrang lalim nang iniisip mo, baka malunod ka."
"Haaaay."
Bumaba na ako at pinagbuksan na lamang siya ng pintuan. Agad naman siyang naglakad papasok.
"Athena." I called, mas bagay sa kanya yun. "Can I take you out? Coffee? Milktea?" I offered para naman mabawasan stress niya.
"Ah! I've been craving for milktea! Tara!" Excited niyang sinabi at nagtatatakbo pabalik sa sasakyan ko.
I called Bea na malelate ako nang uwi kaya pinalock ko na lang ang pinto since may susi naman ako. Sinilip ko muna si Rad sa bintana at kinatok.
"Tara na doc! Baka magsara na sila."
Napailing na lamang ako. "Milktea lang pala katapat mo." Natatawa kong sabi at bumalik na nga sa driver's seat.
Alas otso pa lang naman dahil sa shortcut ako dumaan, madami pang bukas na mall kaya hindi siya nabigo at may naabutan pang milktea shop.
Masaya siyang umorder ng dalawang Milktea at ibinigay sa akin yung isa kahit hindi niya tinanong ang gusto kong flavor. I guess we had the same taste, Orea Milk tea with more milk.
"Kanina ko pa talaga gustong mag milktea." Sabi niya nang makainom na siya. Akala mo nanalo sa lotto at sobrang narefresh siya.
"Bakit hindi ka nagsabi?" Tanong ko.
"Nakakahiya kasi, ihahatid mo na nga ako tapos papadaan pa ako dito."
"Mam, ito na po yung Nachos niyo." Sabi nung crew at agad namang kumuha si Rad dito, saka ako inalok.
"Thank you sa libre, ako dapat magbabayad, ako nagyaya e." Sabi ko sa kanya.
"Doc."
"Mika na lang. Mika na lang outside the clinic." Nginitian ko siya at kumuha na din ng Nachos.
"Ayoko." At binelatan pa ako. "Kasi doc, hindi ka naman nagpapabayad sa clinic, hayaan mo na, maliit na bagay lang ito." Isinubo naman niya ang Nachos sa akin. Natigilan naman siya sa ginawa niya.
"Ang sweet mo naman pala." Natatawa kong sabi. "Pero madungis." Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang gilid ng labi niya. "Ayan."
"Tse." Sabay sungit. Lupit ng mood swings.
We had a good talk, I found her interesting. She lives alone but still strives hard para sa future niya. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa kuwentuhan namin. Napansin ko na lang na magsasara na pala yung mall kaya nagdecide na din kaming umuwi. And this time, I really have to go home.
"Thank you sa milktea." Sabi ko nang maihatid ko siya sa gate ng apartment niya.
"Thank you din sa pagsama at pagsatisfy ng cravings ko doc."
"Pasok ka na." Tumango naman siya at babalik na sana sa kotse pero nilapitan ko ulit siya. "Uhm Athena, I mean Rad."
"Yes?"
"Goodnight." I smiled at bumeso na sa kanya saka sumakay nga talaga ng kotse ko.
Napansin kong nakailang text na din si Beatriz at sinabing pasalubungan ko daw siya. Since sarado na ang mga tindahan dahil anong oras na ay binilhan ko na lang siya ng dalawang pack ng Yakult. Bakit ba kasi walang isang litro nito?
Pagkabukas ko ng pinto ay binulaga ako ng magaling kong kapatid, I get it, may kwento siya. Inabot ko na ang Yakult niya at naupo sa couch.
"Ate! Bati na kami." Ngiting ngiti niyang sabi.
"Nino?" Tanong ko at inirapan niya ako.
"Ni Jia kasi." All smiles talaga siya. "Binigyan ko siya ng paso, sabi ko alagaan niya."
"Wow, inutusan mo pa si Jia." Sagot ko at tinawanan siya. "Gusto mo si Jia noh?" Nakaismid kong tanong sa kamya.
"Uy hindi ah!"
"Defensive!" Sabay hampas ko ng unan sa kanya kaya hinampas niya ako pabalik.
I really am glad that I am my sister's diary. Sa sobrang close namin napagkakamalan kaming magjowa ng mga hindi nakakakilala sa amin. Nakakatawa pero sinasakyan namin paminsan.
Nang makahiga ako sa kama namin ni Bea ay chineck ko ang phone ko.
Rhian
Rhi: Thank you ulit for
today babe. ❤️
R: You home?
R: Good night!
R: I'll see you again
some time next week. ☺️
M: You're welcome Rhi
Ms. Dawson
R: Thank you doctor
Weird-o.
R: Next time ulit. Libre
mo naman ako.
M: That's a nice yet smooth
move to ask a person out.
Ikaw ha.
R: Lul mo doc.
M: Hahahaha! Thank you
sa libreng milktea at
Nachos pati na din sa
mga kwento.
R: You're welcome!
Wala pa yan sa dapat
na bayad ko sayo. ☹️
M: Psh. Don't think about
it anymore. Thank you.
M: Good night Athena.
R: Good night doctor
pervy Weird.
Athena really do sounds awkward but it really suits her, still Rad sounds perfect.