Bea
I watched ate walk in na parang wala sa sarili kaya binato ko siya ng unan. Tiningnan niya lang ako, at umakyat na siya sa kwarto namin. We are on our own lang with one maid to help us clean this house. Mom and dad settled sa Batangas dahil sila mismo nagmamanage ng resort namin and ayaw nila sa city, masyado daw magulo ang buhay. Tabi kami natutulog ni ate kasi ayoko ng walang katabi. Umakyat naman ako at sinundan siya.
"Ate, anong problema?" tanong ko.
"Wala naman." ngumiti lang siya na parang tanga.
"Psh, something good must have happen." I smirked. "How was your date with Raine?"
"It was nice, chill lang." tugon niya, boring talaga magkwento kahit kailan.
"The more you date, the more chances of winning." Loko ko sa kanya "Galing pala si ate Rhian dito kanina, hindi mo daw kasi sinasagot ang texts at tawag niya."
"Oh shit." napabangon siya bigla at agad na kinuha ang phone niya na mukhang naiwan niya sa kotse. Hindi niya kasi talaga ugaling gumamit ng phone pag may kasama. Text and calls lang from family may notif sa kanya, sweet noh?
"Bakit hindi mo na lang balikan si ate Rhi?" tanong ko since in good terms naman sila.
"Beatriz, ilang taon na kaming hiwalay, wala na akong maramdaman. Kaya nga nakikipagdate kasi baka lang, baka sakaling bumalik. You know how much I love Rhi before but I just don't want to rush things." she smiled at me before messing my hair up. "Di ka pa kasi nai-inlove e." biro niya kaya inirapan ko siya.
"Love naman kita, okay na yun." sagot ko at natawa siya saka ako hineadlock.
Nang matapos siya sa p*******t sa akin ay bumalik na siya sa pagkakahiga at nagpipipindot na sa phone niya. I asked her na samahan ako bukas since balak ko bumili ng motor. Agad naman siyang pumayag basta daw ilibre ko siya ng ice cream. Minsan talaga parang bata itong ate ko.
*****
"Hi!" bati ko kay Jia when she got in sa office nila. Dito lang ako nag hintay sa harap habang nakasandal sa bago kong motor. Halata ang gulat sa mukha niya since 7:45 AM pa lang.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, and infairness, hindi na siya masungit sa akin. Gusto ko sanang umiyak sa tuwa pero magmumukha akong baliw dito.
"Waiting for you." I smiled at inabot ang binili kong Choco Crumbled pancakes sa McDo. "Breakfast, pero kung nakakain ka na okay lang naman din."
"No, it's fine, I'll take it. I'm still good for round 2." She smiled at kinuha na nga ang dala dala ko, "Pero mas okay siguro kung sabay nating kakainin 'to? Maaga pa naman e." alok niya.
Hindi na ako tumanggi pa, pinayagan naman ako makapasok sa loob ng guard. Nagtungo naman kami sa pantry nila at doon kumain. Maigi na lang at dalawa ang inorder ko na tig 3 pieces, nakakahiya kung sakali dahil makikihati pa ako.
"Salamat dito ha." sabi niya habang binubuksan yung lagayan.
"Walang anuman." sagot ko at nilagay na yung chocolate syrup sa pancake ko.
"Kumusta si ate Mika?" Tanong niya bigla kaya napailing ako at natawa.
"Okay naman siya. Gusto mo ba dumagdag? 2 nakikipagdate sa kanya ngayon e."
"Hindi, naitanong ko lang naman." At namula pa ang pisngi niya, cute e. "Pwede ko ba hingiin number ni ate Mika? May itatanong lang din sana ako." Nahihiya niyang sabi.
"Sure." Sabay labas ko ng phone at pinakita ang details ni ate sa kanya.
"Thank you." She smiled. "May balita ka ba sa therapy nila ni Raine?"
"Wala, pero aso't pusa pa din sila pag nasa clinic ni ate." Kwento ko at sumubo na ng pancake. "Bagay sila noh?"
Tumawa naman siya. "Lalaki nga hindi makaporma kay Raine e." Natigilan naman siya at napatingin sa akin saglit. "Sorry."
"Nah, that's fine." I smiled, di naman na issue yun.
Napatingin naman siya sa watch niya. "Malapit na pala mag 8." Sabay subo niya ng natitirang pancake. "Mauuna na ako Beatriz ha, salamat." Nakangiti niyang sabi.
"Wait lang Ji," tumayo naman ako at kinuha ang panyo ko. "Ang dungis mo naman kumain." Sabi ko at pinunasan ang gilid ng labi niya. "Ayan, okay na. I'll be going na din. Thank you."
Bumeso na ako at naglakad na din palabas since magkaiba yung daan namin. Agad na din akong pumunta sa clinic ko to serve people in need. It was lunch break nang katukin ako ni ate. Himala at hindi niya suot yung salamin niyang pang lola.
"Eyy, something's weird." Bungad ko sa kanya at tumawa siya.
"We, we are Weird." Napatawa naman ako at napailing. Naupo naman siya sa may upuan sa harap ng desk ko bago ilapit ang mukha sa akin. "Bagay ba?" Pinandilatan naman niya ako ng mata.
Tinulak ko naman siya palayo para matingnan nang maigi ang sinasabi niya. "Alin ba?" Tanong ko sabay turo niya sa mata niya. Kumuha pala siya ng contact lens. "Pwede ka naman magpa-laser ng mata bakit ka nagtyatyaga sa ganyan?" Tanong ko.
"Hindi mo naman sinagot ang tanong ko." Saka siya nagcross-arms.
"Okay lang." boring kong sagot. "Wait, bakit mo naisipan yan? Kala ko forever mo na susuotin yung glasses na bigay ni ate Rhi?" regalo kasi yun ni ate Rhi nung first anniversary nila, pinapapalitan niya lang yung mismong salamin pag tumaas grado niya.
"For a change maybe?" She smirked.
Tinanguan ko siya with nakakalokong ngiti. "Talaga lang ha?"
"You bet." Then she winked. "I look good naman diba?" Tanong niya.
Sabi na e, pumoporma na. "Oo na, magandang nilalang ka. Alis na." Sabi ko dahil yayabangan nanaman ako nito.
"Nagtext sa akin si Jia, niyayaya niya tayo sa event ng grandparents niya next week." Sabi niya pagkacheck niya ng phone niya.
"Ah oo, nasabi na din nga niya sa akin." Tinext din kasi ako ni Ji.
"Ayie, may number na ng isa't isa." Pang-aasar niya kaya hinampas ko siya nang naabot kong folder. "Bagay naman kayo."
"Ewan ko sayo."
*****
Rad
It's Friday night at nagkayayaan naman kaming magkakaibigan na magdinner. Maigi na lang at may himala na hindi traffic ngayon kaya hindi ako na-late. Sinalubong naman ako ni Den, Jia at Aby ng beso.
"Kumusta ka naman bakla ka, wala ka nang paramdam." Sabi ni Aby.
"Multo ba ako para magparamdam?" Sagot ko at binatukan naman niya ako. "Aray naman, umorder na nga tayo." Sagot ko at tumigin na sa menu.
After namin mamili ay pinindot na namin sa gilid ng table ang orders namin which is sent thru the net sa kitchen nila. First table na nag order ang uunahin nilang handain.
"Uyy, golden anniversary na ni mamu and papu next week." Sabi ni Jia.
"Aww, mamu and papu are still inlove sa isa't isa after all these years." Masayang sabi ni Den.
"Wala naman silang choice." Natatawang sabi ni Jia. "I'm happy for them. I wish I'll find a love like theirs." Dreamy na sabi ni Jia bago ngumiti. Chineck naman niya ang phone niya "Anyway, you should bring a date with you guys."
"Hay nako, walang forever." Bitter na sabi ni Aby.
"I'll bring L.A with me." Sabi ni Den, buti pa siya may madadala. "Ikaw ba? Sino date mo?" Tanong ni Jia.
"Si Doctor Weird, kakapayag niya lang." Jia smiled with glow in her eyes pero hindi ako makapaniwala sa narinig.
She's going out? With Mika? Or niyaya niya lang to be her one night date? Dahil ba crush niya at mabait si Mika para pagbigyan siya?
Dumating na yung order namin pero yung gutom ko parang biglang nawala, nawalan ako ng gana kumain. Hindi ko na nga lang din maintindihan ang sarili ko, ang moody ko lately, hindi ko alam kung anong dapat sisihin sa mood swings ko. Ang bilis ko mairita lalo na pag may naririnig akong notifs ng phone, wala kasing nagnotif sa akin maliban sa text ni Den nang niyaya ako magdinner or Globe lang. Tapos malalaman laman kong katext niya si Mika? Bakit ako... ah leche.
"Huy, bakit di ka kumakain?" Tanong ni Den.
"Nalipasan na ata ako ng gutom." Ngiti kong sagot.
"Kumain ka nga kung ayaw mong ikaw pagbayarin ko nitong lahat." Matinis na sabi ni Aby.
"Oo nga Raine, kumain ka na dyan." Sabi ni Jia.
Wala na akong nagawa kundi pilitin ang sarili kong kumain. Manakha nakha akong nagchecheck ng phone ko kada tutunog yung phone ni Jia, bakit siya tinetext? Hindi man lang ba niya itatanong kung anong oras ako pupunta bukas? Or ako lang nag-assume na meron? Bakit di niya sinabi kung kailan ako babalik? Hindi ko na naenjoy yung pagkain ko kaya umorder na lang ako ng dessert.
Magbabar pa daw sila pero dahil naiirita nanaman ako ay nagpass na lang ako at sinabing babawi na lang ako sa sunod. Den was pouting, alam ko ngayon na lang kami ulit nagkita pero bad vibes lang ang baon ko ngayon, baka masira ko lang ang gabi.
Kakarating ko lang ng apartment when my phone buzzed and an unknown number was flashing, sinagot ko naman iyon.
"Hello?" Wika ko.
"Hi Raine! Bea here. Pinapatong ni ate anong oras ka daw pwede bukas?"
"Bakit hindi siya ang magtanong." napabulong na lamang ako at napairap.
"Ano yun?"
"Ah wala! Hapon kamo ulit ako pupunta." Sagot ko.
"Okay, will tell her. Bye!"
"Ah Bea?"
"Yes?"
"Uhm." Nagdadalawang isip ako kung itatanong ko sa kanya kung anong ginagawa ni Doctor Weird pero nahihiya naman ako. Pasyente lang ako, no more no less. "Wala, sige bye."
I ended the call at napabuntong hininga na lang, I really am acting weird. Sa sobrang frustration ko ay naihilamos ko na lamang ang palad ko sa mukha ko, bakit hindi siya nagtetext? Bakit kailangan ipadala sa ibang tao? Nagalit ba siya sa ginawa ko nung nakaraan? Hindi ko naman sinasadya mahalikan yung gilid ng labi niya e.
This is really annoying.
*****
Alas dos na din ako nagtungo sa clinic niya since ganung oras siya dumating nung nakaraan. Kumatok ako at dahan dahang binuksan ang pinto. Nakatalikod siya at may kausap, mukhang si Rhian. Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila.
"Rhi, I told you not today. May appointment ang pasyente ko."
"After naman e."
"Rhi, wag ka naman munang makulit. Binibigay ko naman ang oras ko sayo kung pwede ako e. I told you hindi ako makakacommit palagi." Doctor Weird reasoned out.
"You told me before na you would never accept patients on weekends whatever reason they have. Weekends is weekends and it would always be for people you value."
"Rhi, people change. Isa pa special case to, don't be fooled by your assumptions. I still care for you, I still do kasi kung hindi, I wouldn't let you enter my life again."
Napahawak ako bigla sa dibdib ko, masyado atang mabigat ang usapan nila kaya nag-step back muna ako at naupo na lamang sa bench. Bea happened to pass by, she's wearing a dress at nakaconverse.
"May tao sa loob?" Tanong niya. "Ikaw lang patient ni ate pag Saturday ah."
"Rhian is inside." Sagot ko at bahagyang ngumiti. "Gaano sila katagal ng ate mo? Saka gaano na sila katagal hiwalay?"
"5 years naging sila saka 5 years na din ata nung magbreak sila? Or 4, hindi ako sure kasi nagdodorm si ate nung mga time na yun, sobrang busy kaya hindi rin kami masyado nakapag-usap. 2nd year highschool pa lang alam ko sila na e but ofcourse it was a secret that time, nagsabi lang sila nung pagkagraduate ng highschool." Kwento niya. "Bakit mo natanong?" Ang laki naman nang ngiti niya.
"Narinig ko lang na she still cares." Napayuko naman ako at tiningnan ang mga kamay ko.
"Ofcourse, siya first love ni ate and everything. Natural lang siguro yun? I'm not sure, never pa ako nainlove." Natatawa niyang sabi.
Bumukas naman ang pinto ng clinic ng ate niya at nagmamadaling umalis si Rhian. Hinatak naman ako ni Bea papasok sa loob at pinaupo.
"Ate, pahingi naman ako pera. Nakaalis na ako ng bahay nung naalala kong naiwan ko card ko. Malapit na ako dito kaya di na ako umuwi, please?"
"Pasaway ka talaga kahit kailan." Sabi ni Mika. "Oh, bayaran mo yan ha."
"Yun! You the best ate in the world! You look really good."
"Ako lang naman ate mo, wag mo ko inuuto. Umalis ka na."
Umalis naman nga si Bea at nagslouch naman si doc habang minamassage ang ulo niya. Parang may bago sa kanya ngayon, ang aliwalas ng mukha niya. Tinanggal naman niya ang kamay niya at tiningnan ako, dun ko lang marealize na hindi na siya nakasalamin.
Shet, ang ganda niya.
"Sorry hindi na kita na-itext kahapon, medyo masakit ulo ko e." Sabi niya at hinilot ulit ang sentido niya. Kung ano ano pang naisip ko masakit naman pala ang ulo niya.
"Okay ka lang ba? Dapat hindi na tayo tumuloy." Sabi ko. Tumayo naman ako para lapitan siya. "Uminom ka na ba ng gamot?"
"Hindi ako umiinom ng gamot." Kakaiba din. Tumingin naman siya sa akin. "But I know something that would definitely work." She smiled innocently before burrying her head in my chest and groping both breast.
Kahit kailan di na nagseryoso. Napailing na lang ako bago siya konyatan, siraulong 'to, nananamantala e. Napahawak naman siya sa ulo niya at nagpout habang nakatingin sa akin.
"Nawala sakit ng ulo mo diba? Mas effective yung ginawa ko Doctor Pervy." Sabay irap ko sa kanya.
"Ah, namiss kita." Napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakangiti siya, ramdam ko yung tuwa sa narinig. "How have you been, Rad?"
Gusto ko sanang sabihin hindi ako okay nitong mga nakaraang araw pero balewala lang din naman iyon, she's just asking siguro about my dreams diba? "I haven't had any of those weird dreams lately." Sagot ko.
"That would be a problem." Worried niyang sabi. "Or not I guess. That means you don't need to come here often." Napaiwas naman siya nang tingin saka kinuha ang dala niyang Apple.
I don't need to come often, that means I wouldn't have any reason to see her, or to text her. Honestly, I'm looking forward na every Saturday, kasi alam kong makikita ko nanaman siya, this is saddening.
"Yeah, siguro once a month pwede na? I mean, okay naman na yung kwento mo e, hindi na natin kailangan i-elaborate. I don't want na maulit yung last time." She was referring to the hot session na naikwento ko sa aking panaginip, nakakahiya tuloy. "Next time, we'll try na unti unting makilala yung mga tao sa paligid mo sa panaginip, and lastly, yung the one mo." Sabi niya.
"Nakakalungkot." Naibulalas ko kaya napatingin siya. "Ma-ma-ano, malungkot ka-ka-kasi a-a-ano. "
She chuckled at kinurot ang pisngi ko. "Ang cute mo." Nagbuzz naman ang phone niya at nakita kong nagflash ang name ni Jia.
Jia name ni Jia sa phone niya, ano kayang name ko sa phone niya. Sinubukan kong i-dial number niya at nakitang Ms. Dawson lang ang nakalagay, walang emoji gaya kay Jia. Sabagay, hindi naman ako ang dinidate. She asked me bakit ako tumawag, sabi ko napindot ko lang. napailing na lang siya.
"By the way, may lakad ka next Saturday? Ininvite kasi kami ni Jia pumunta."
"Dun din ang punta ko, bakit?" Saka ko siya tinaasan ng kilay.
"May date ka na?" Napairap na lang ako at tinarayan siya, ipagmamalaki niya bang si Jia ang date niya? "Ang sungit mo, yayayain pa naman sana kita, si Rhian na nga lang dadalhin ko." Sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Ha? Sabi ni Jia she's going with you? Sabi niya she's going with Doctor Weird?" Tanong ko at natawa siya.
"Kaya mo ba ako sinusungitan?" Umismid naman siya. "Are you jealous?" Isinahod naman niya ang pisngi niya sa kanyang kamay na sinusuportahn ng kanyang siko. "Yep, she's going with Doctor Weird, pero hindi ako." She laughed.
Napayuko na lamang ako, oo nga pala, dalawa nga pala sila. Nasanay kasi akong Doctor Weird tawag sa manyak kong kaharap, at Bea lang sa kapatid niya.
"Selos ka?"
"Tigilan mo nga ako." Sabay irap ko sa kanya.
"You really are adorable Rad." Sabi niya at muling tumawa.
"Wag mo na isama si Rhian, I'm going with you." Nahihiya kong sabi sa kanya. Hindi ko siya matingnan sa mata.
"Sure." Tumayo na siya at naupo sa harap ko.
She showed me the pendulum kaya I did what I was supposed to do. Sa panaginip ko ay may naka-Strawberry printed na mask. It was clear, I can see his eyes. He was always there when I am in need. We were dancing, nang umamin siya sa akin or sa past life ko kung sino siya, it seems like the feeling is mutual, sobrang saya ko for us? For them?
"Ich liebe dich" sabi ko, which means I love you.
"Alam ko yan. Mahal din kita, Rad." at muli siyang humalik sa akin.
My dream was cut, napatingin ako kay Doctor Weird. "Masyado kayong sweet." Sabay irap niya. "So she calls you Rad ha." Bumilog pa ang bibig niya in awe. "But I'm still sticking with that name. I come up with it on my own, bahala ex lover mo dyan." She sounded so cute kaya napangiti ako.
"I really don't mind what you call me." Sabi ko sakanya.
"So okay lang sayo if I call you mine?" Nilagay niya pa ang kamay niya sa baba niya.
"Ewan ko sayo." Sagot ko at tumawa naman siya.
"Sige na, we're done for today may pupuntahan ka pa ba? Hatid na kita."
Umiling ako at sinabing wala na kaya naman nag-offer na siya to drive me home. Nasabi kong wala pa akong isusuot kaya naman dumaan muna kami sa isang mall to buy something.
Habang naglalakad kami ay inakbayan naman niya ako, I think I need some space. Ayokong isipin kung ano man itong weird happenings sa akin when she's around.
Namili naman ako ng mga pwede kong suotin, ayaw niya i-check kasi gusto niya masurprise siya sa next Saturday. After that ay she drive me home na talaga for real.
"So, I'll see you next Saturday?" Tanong niya. Pwede naman niya akong kitain anytime ah?
"Yes. Thank you, Doc." I smiled.
"Ah can I request something?"
"Sure." Sagot ko.
"Never let anyone call you Rad in this lifetime." She was so serious nang sabihin iyon. Lumapit naman siya nang unti unti sa akin. "Ako lang pwede." Bulong niya sa tenga ko at kinilabutan naman ako. "I'm going."
"I-ingat." Sabi ko at nginitian niya ako before kissing my cheek then she smirked.
Pumasok na siya sa kotse niya at nang makapasok ako sa bahay ay hindi ako makapaniwala. I know for certain, she kissed me on the corner of my lips purposely. Nag-init naman ang pisngi ko bigla sa kahihiyan. My ghad.