IV:

1509 Words
RAD Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas ko at napatingin sa kasama ko. "Dr. Weird, sorry." I said sincerely. "Why are you saying sorry to me? Hindi naman ako yung nasaktan mo." natatawa niyang sabi. "It's okay, just don't do that ear thing kay ate always. She hates it, and what she did earlier was just to help you out, you're on the verge of anxiety attack, you were not yet fully in your sense nang gisingin ka niya so she had to do that." paliwanag niya kaya napayuko ako. "Sana sinampal niya na lang ako or niyugyog." "Sabihin mo sa kanya next time na mas gusto mo yung ganun. So hanggang dito na lang, maybe I'll see you next week if I'm around." nginitian niya na ako at bumalik na sa loob ng building. Doon ko lang din narealize na hindi naman niya ako kailangan ihatid diba? Kailan pa naghatid ng pasyente ang mga doctor? Is she that friendly?  Agad na rin akong sumakay ng Jeep pauwi. Nang makarating ako sa bahay ay may tumawag sa akin at sinabing pwede na akong magstart next week. I was hired as an assistant chef ng isang bagong restaurant so I think this would be a great start for me. The work world require 8 hours a day kaya from 10 am - 7 pm ako with 1 hour break, hindi ko alam kung anong oras bukas yung clinic ni Dr. Weird kaya pupuntahan ko na lang siya bukas para sa bayad ko at para na din itanong availability niya at makahingi ulit ng sorry. ***** "Doc?" tanong ko pagkabukas ko ng clinic niya.  Nagkatinginan kami kaya agad niya akong tinaasan ng kilay. Agad ko namang sinarado ang pinto dahil may kausap siya sa loob. Naupo na lang muna ako sa may waiting area. Habang naghihintay ay nakita kong lumabas si Dr. Bea kaya naman nginitian niya ako saka tinabihan. "You're back." she paused saka ako tinignan at ang mga dala ko. "With an apple, that's good." saka siya tumawa. "Bakit ganito lang mode of payment niya?" I asked out of curiosity. "I mean if you don't mind sharing lang naman." "That's for ate to tell e. She accepts money naman din, same rate pero it depends. You know, we Weirds live up sa surname namin." She chuckled lightly at isinandal ang ulo niya sa pader. Napatango na lang ako, ayoko naman mamilit. "Madami bang patient ate mo?" "It depends how you classify her patient. Uyy interesado. Crush mo si ate?" Rumehistro naman ang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. "Nope, na ah, never." Pagtutol ko. "May balak ba kayong magseryoso sa buhay?" Tanong ko. "You don't want ate to get serious, she's boring as fuck." Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Dr. Pervy at isang magandang dilag. Pinapasok niya kami ni Bea sa loob dahil ihahatid niya lang daw muna iyon. Naikwento din ni Bea na ex yun ng ate niya. May taste naman pala siya. Nang makabalik si Mika ay tinanggal niya ang salamin niya at hinilot ang taas ng nose bridge niya. "Alam mo, sumasakit ang ulo ko pag nakikita kita." Sabay hilot niya sa sentido niya. "Grabe ka, sorry na." Sabay lapag ko ng isang kilong apple at 600 pesos worth ng school supplies. "Thank you." Her smiles were genuine at nahawa naman ako doon. "Sabi ko next week na diba? Sabi ko din wag kang pupunta nang walang pasabi? Bakit ang kulit mo? Ilang beses ka ba inire ng nanay mo?" Pagsusungit niya. "Sorry na nga kasi, una wala akong number mo. Pangalawa, uhm may work na kasi ako next week, anong oras ka ba open?" Nahihiya kong tanong. "Fill this up." Saka niya inabot ang isang papel. "Details mo ilagay mo dyan, and open ako hanggang 5 pm lang but I could be flexible sa shift mo." "Smooth." Kumento ni Bea at tumawa, hindi ko maintindihan kung bakit. Gaya nang sinabi ni Mika ay nilagay ko na ang details ko doon at tinanong na din kung kumusta naman yung ginawa namin kahapon. "Malambot." Agad siyang napahawak sa bibig niya kaya sinamaan ko siya nang tingin. "Malambot ka kasi yakapin." Sabay peace sign niya. "I don't know, pero kailangan mo ata hanapin yung partner mo noon." Nagshrug naman siya. "Partner ko noon?" Nagtataka kong tanong. "Yes, partner mo in your past life. Ang sweet noh?" Lumaki naman ang ngiti niya. "Pinapaalalahanan ka na hanapin yung one great love mo." "Doctor ka ba talaga? Bakit ka naniniwala sa reincarnation?" Di ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. "I maybe a doctor but I believe in miracles, plus other shits. Yun lang solution dyan sa mga napapanaginipan mo, hindi ka papatahimikin niyan. We could dig deeper to find clues. If ever makita mo man yung mukha nung guy na para sayo, well congrats." "Pero you'll help me naman to lessen it diba?" "Susubukan ko kung magpapakabait ka." Nagslouch naman siya at ipinatong ang paa sa lamesa. Napatingin naman siya sa relo niya, halos mag-aalas tres na din pala. Tumayo na siya at hinubad ang coat niya saka ito isinukbit doon sa coat hanger niya. Kinuha naman din niya ang naipon niyang supplies and other stuffs. "Ay Wednesday pala ngayon, ako na bahala dito ate. Send my regards sa mga bata, sunod ako." Sabi ni Bea kaya naman lumabas na si Mikaela. "Mikaela!" Habol ko sa kanya. "What now?" Inis niyang sabi, okay so sa labas ng clinic masungit siya? "Sama ako." I smiled at napatigil naman siya sa paglalakad. Confusion is written in her face. "Fine." She hissed. "And stop calling me Mikaela." "Okay Mika." Sagot ko at inirapan niya lang ako. Sinundan ko lang siya, nagpara siya ng taxi at pinasakay ako. Naupo naman din siya, pinagigitnaan kami ng mga dala niya. May binigay siyang address at tahimik naming binaybay iyon.  Yes she really is boring pag seryoso siya, unlike the pervy doctor I met last time. Kinakausap ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Ang sungit ha.  Bumaba kami sa isang malawak na lupain, agad namang sinalubong si Mika ng isang madre. "Kanina ka pa hinihintay ng mga bata." Nakangiting sabi ni sister. "Ay sister si Raine po, Raine si sister Claire." "Magandang hapon po." "Napakagandang bata, alagaan mo si Mikaela ha?" Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. "Hi-hin-" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil epal ang kasama ko. "Sister, hindi po ganyan ang type ko." Natatawang sabi ni Mikaela at pumasok na sa loob. Agad siyang sinalubong ng mga bata, binigay niya ang mga nakalap niyang school supplies sa mga ito. "Simula noong college siya, lagi siyang pumupunta dito, ito daw stress reliever niya sa lahat e." Sabi ni sister. "Nakakataba naman po sa puso talaga pag nakakatulong." Sagot ko at tiningnan lang si Mika na nakikipaglaro. "Alam mo, mabait na bata yan si Mikaela." Si sister binubugaw na ata si Mika sa akin. "Sana makahanap siya ng taong kasing buti niya." Tumango na lang ako dahil wala naman akong sasabihin. Nakipaglaro din ako sa mga bata, dumating si Bea around 6:30 kaya hinayaan muna siya ni Mika makipag-usap sa mga bata. Inabot na kami ng alas otso dito. "Sister, mauuna na po kami." Sabi ni Mika. "Mag-iingat kayo, sa sunod ulit." Nakangiting sabi ni sister. Tinanguan lang siya ng magkapatid at pumasok na ng kotse si Bea. Binuksan naman ni Dr. Weird ang pinto at pinapasok ako. Medyo nakakahaggard din pala yung araw na 'to. "Wow ate, gagawin mo talaga akong driver?" Reklamo ni Bea. "Just drive." "Psh. Landi mo." Natawa na lang ako kaya nang tingnan ako ni Mika ay nag peace sign ako. Sinabi ko naman din na pwede nila akong ibaba sa kanto pero nag-insist si Bea na ihatid na ako sa amin. Ramdam ko ang pag bigat ng mga mata ko kaya napapaheadbang na ako dito sa sasakyan nila. Naramdaman ko naman ang kamay ni Mika sa mukha ko at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko alam pero para akong na-estatwa dito, nakakahiya kasi pero hindi ko na rin maalis ito dahil una sa lahat, nasa mukha ko pa ang kamay niya para hindi masyadong tumalbog ang ulo ko dahil medyo bumpy ang daan, and malambot iyon. Nagpanggap na lang akong tulog kahit ang totoo niyan ay nawala ang antok ko sa ginawa niya, I wasn't expecting that, mas lalo kong hindi inexpect ang pagbilis ng puso ko sa kaba. "Hoy ate, pinapaalala ko sayo pasyente mo yan." Rinig kong sabi ni Bea. "Manahimik ka dyan." "Crush mo? Ang ganda kaya niya." Tanong nito dahilan para lalong bumilis ang puso ko. "Beatriz, wag mo akong igaya sayo na lahat na lang ata e crush." Sabi ng katabi ko. Gusto ko sanang tumawa kaso malalaman nilang di ako tulog. "Psh, bagay naman kayo, promise." "Alam mo? Ang dami mong alam. Si Rad? Oo maganda siya, I appreciate her beauty but you know, she's already looking for the man in her dreams. So shut up ka na lang." rinig kong bulong ni Mika. "I didn't say na jowain mo, ayieee. Umasa." "Matutulog na muna ako." Tinanggal naman ni Mika ang kamay niya sa mukha ko at naramdaman ko na lang ang ulo niya sa ulo ko. Mas lalong hindi ako makakagalaw nito. "You guys are cute, you would be a great couple sana." Rinig kong sabi ni Bea dahilan para mag-init ang mukha ko. "Para matahimik ka, oo na crush ko siya, masaya ka na?" Oh my ghad. Did she really just said that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD