Kabanata 8 Malamig "A--ahh Oo…" mahina kong sagot. She smirked. "Can you give me a juice." she command. Tumango ako at mabilis sumunod. Nanginginig pa ang kamay ng kumuha ng juice sa fridge. Kabadong-kabado sa babaeng bisita ngayon. Sinalinan ko siya ng juice sa baso at nilagay sa maliit na platito. Bumalik ako sa sala at nilapag sa center table ang juice. Tumingin siya sa akin at ngumisi. "I--ito na po yung juice niyo… ma'am," mahina kong sabi. She nodded. Napahinga ako ng malalim at tumayo sa gilid niya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. s**t, sobrang ganda! Kung gaano kagwapo si Arviel, mas lalo naman itong si Alleth. Kakaiba talaga ang genes nila. "Yaya, can you tell me about my brother. Hindi na siya umuuwi sa bahay namin. At ngayon ko lang nalaman na may condo siya na hindi

