Kabanata 20 Pity "Arvo, you need to study. Your mom is stress because of you." Napabuntong-hininga ako. Kaharap si Arviel at ang kanyang anak na lalaki. Gosh, sobrang spoiled ng panganay namin. Hindi nakikinig sa kanyang ama. Maging ako ay stress na rin dahil palaging absent sa klase. Nakailang ulit na bang tumawag ang kanyang guro upang ipaalam na palagi siyang wala sa paaralan. Tapos malalaman namin na nasa BGC at nakikipag-bar sa mga barkada niya. "Pa, ano pang silbi ng pag-aaral kung mayaman naman na ako? It's a waste of time." sagot nito sa baliwalang boses. I tried to calm down. After fifteen years, umuwi kami sa Pilipinas upang ayusin ang mga negosyo ng pamilya. Umuwi rin kami dahil kinasal si Alleth sa isang mayaman na lalaki. Our son is fifteen years old now and God knows he

