"What are you both doing here?" tanong ni Tristyn nang makaupo kami sa pang-apat na table dito sa isa sa mga fast food restaurant sa mall nang mag-aya si Erin ng double date.
Well, wala naman kaming nagawa ni Tope kundi ang tanggapin ang alok nito. Ayaw ko nga sana, actually. Kaso magmumukha lang akong bitter kapag tumanggi ako. Ayaw ko namang mag-assume sila ng kahit ano sa akin kaya, go with the flow.
Wala namang mawawala kung makikipagdouble date kami ni tope kahit na hindi naman talaga date ang sa amin ng baklang ito.
"Obviously, nagshopping kami," sagot ko at hilaw na ngumiti. Sarcasm is visible on my voice, but Tristyn doesn't care about it.
Well, as usual. Hindi pa rin pala nawawala ang ganung ugali niya. He doesn't care about me being sarcastic.
At isa pa, tama naman ang sinagot ko. Ano ba ang ginagawa sa mall? Hindi ba't nagsho-shopping?
"I see," he just answered casually before handling the menu.
Napansin ko naman ang pagkabahala ni Erin. Mukha yatang hindi pa siya sanay sa pinapakitang ugali ni Tristyn.
"Mag-order na muna tayo." Erin said after a moment of silence. Binigay niya sa akin ang isa pang menu.
Agad ko naman itong kinuha at binalingan ng tingin si Tope na mukhang namesmerize kay Tristyn. Well, I can't deny the fact that Tristyn become more handsome and masculine after all these years. Kaya siguro nahumaling agad si Tope noong una niya itong makita sa party. Lalo na ngayon na nasa malapitan na.
"Huwag ka ngang magpahalata na may gusto ka kay Mr. Guevara. You're already drooling over him, kulang na lang ay maglupasay ka dahil sa kilig. Umayos ka kaya? Nang hindi agad tayo mahalata." I whispered.
Agad naman siyang umayos. Mabuti na lang dahil hindi agad nahalata nina Tristyn ang inaakto niya. Minsan kasi napaka-obvious na ng galaw niya, baka kasi nasa Pinas na kami. But he must be more careful dahil marami pa ring mga mata ang umaaligid sa amin. Alam niyang ayaw ng pamilya ni Theresa sa isang bakla, they think kasi that gays don't know anything but to just flirt with boys and make themselves fool just because of the love they think they deserve.
Ang baba ng tingin ng pamilya ni Theresa sa mga bakla. Kaya nga sa tagal ng panahong naging personal assistant nina Lolo at Lola si Tope ay never niya itong sinabi sa kanila. Tope hide his real sexuality. Tanging sa akin niya lang sinabi. His reason? Ayaw niya na mawala sa kaniya ang lahat ng pinaghirapan niya. Lalong lalo na ang relationship nila ng grandparents ko.
And I respect him because of that as well as his decisions.
"Sorry naman girl, hindi ko mapigilan, eh. Ang pogi pala talaga ni fafa Tristyn lalo na sa malapitan." Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya.
Tope and his businesses.
"Remember, Tope. Nandito tayo for business and of course, to act like we're lovers. Baka mabuking agad ako niyan sa ginagawa mo, " mariin kong sabi. Humugot naman agad siya ng malalim na buntong hininga bago ngumiti sa akin.
"Oo na, kamahalan. Aayos na," he said in sarcasm which made me shook my head and massage the bridge of my nose.
Ewan ko talaga sa baklang ito.
"Mag order na nga lang tayo," sambit ko na lang na siyang ikinangiti niya.
"Sure, mas bet ko yan." Napailing na lang ako sa kaniya at tinuunan ko na lang ng pansin ang menu na hawak ko, kesa naman ang makipag-usap ako sa baklang ito ay pipili na lang ako ng pagkaing o-orderin. Baka mamaya mahawa pa ako sa kabaliwan niya.
Habang busy kami sa pagpili ng makakain ni Tope ay bigla na lang nagsalita si Tristyn na naging dahilan upang mapatigil kami sa ginagawa namin, as well as Erin.
"How's life?" he asked. Hindi ko alam kung kanino niya itinanong ang bagay na iyon kaya naman ay tinanong ko na lang din siya para naman hindi kami malito kung sino ang sasagot.
"Who are you referring to, Mr. Guevara?" I said, as I fixed my eyes on the menu I am holding. Napansin ko sa pheriperal vision ko na napatingin siya sa akin.
"You," he answered without any second thought.
So, he still have a care to ask me that question. Ang akala ko pa naman ay magiging back to stranger ulit kami matapos ang hindi magandang nangyari sa amin 4 years ago. O baka naman may pinaplano siya?
Kung meron man, ano naman kaya iyon?
O baka naman nagiging assumera lang talaga ako?
"It's fine. Actually, we're already planning na maglive in since matagal na kami and we're already thinking about marriage." I lied. Hello? Kung magpapanggap lang naman kami, lubus-lubusin ko na. "How about you? How's life?" balik kong tanong sa kaniya.
I saw how he tightened his grip on the menu. Nagtiim bagang rin siya dahilan upang mapataas ang aking isang kilay. I don't want to be assuming, again, but he obviously doesn't like what I told him. The way niya pa lang hawakan ang menu ay parang pupunitin niya na.
Goodness, what's wrong with him?
"We were actually engaged. See?" it was Erin who answered my question. She even lift her right hand and show us her engagement ring.
Palihim naman akong napairap. Edi sila na.
"Well, in that case. I'm happy for you both." I said, showing them my half smile.
"Edi blags ka ngayon gurl," palihim ko namang siniko si Tope dahil sa sinabi niya. Ano bang pakialam ko kung magpapakasal na sila, di ba?
Kahit mag honeymoon pa sila sa harap ko ay wala akong pakialam!
"Shut up, Tope." I just said in whisper. Inismiran niya lang ako.
"Affected ang bruha," sambit niya naman dahilan upang pandilatan ko siya.
Bwisit talaga ang baklang ito. Kung hindi ko lang siya kaibigan ay baka nasapok ko na ang isang ito. Nakakainis, eh! Wala na nga akong pakialam sa kanila, eh! Okay? Wala!
"Mag-order na nga tayo. Waiter!" si Tope na ang nagtawag ng waiter. Wala pang ilang minuto ay dumating naman ito at kinuha na ang mga order namin.
Nang matapos niyang kunin ang order ay agad na siyang umalis. Habang naghihintay kami sa in-order naming pagkain ay bigla namanh nagsalita ulit si Tope.
"Anyway guys," umayos muna siya ng upo bago itinuloy ang kaniyang sasabihin. "Since namention niyo ang engagement ninyong dalawa, may I ask if when is the wedding?"
Halos mabulunan ako sa sarili kong laway.
Ano ba ang plano ng baklitang ito at tinanong niya pa talaga ang bagay na iyan?
Nakita ko naman kung paano napangiti ng pagkatamis-tamis si Erin. Seems like she's happy dahil natopic ang engagement at soon to be wedding nila. Mukha yatang napakasaya niya dahil ikakasal na silang dalawa ni Tristyn. Well, I'm happy for them too. Hindi lang halata. I admit na medyo bitter pa ako, but I am surely happy for them. Hindi ko man naranasan ang ganitong set up noong kami pa ni Tristyn dahil sa dami ng problema, but I'm still thankful because, once in my life, I was loved by him. And now, he is already happy with someone else.
Siguro nga tama ang mga naging desisyon ko. He became more matured now. Marami na nga talagang nagbago, and I hope, those changes will always put him into the top. Hindi katulad ng sa amin na .... Nevermind. Past is past, Keishana, okay? Tama na.
"Well, actually pinagpaplanuhan pa lang namin ang kasal since Tristyn is a very busy person, hindi kami masyadong nagkakaroon ng time to talk. Ngayon na nga lang kami nagkaroon ng spare time to date, eh." I saw a glimpse of sadness in her eyes, ngunit sandali lang iyon.
Pero, bakit naman kaya ganun? He never do that to his girl. He will do everything para lang magkatime siya sa taong mahal niya. Kahit nga noong sila pa ni ate ay gumagawa talaga siya ng paraan para lang magkatime sila kahit sobrang busy niya sa kompaniya nila. Even to me.
Well, nagbago na nga siya, hindi ba? Hindi na siya katulad nung dati. Poor Erin. Sana okay lang siya sa set up ng relationship nila.
Teka nga, ano ba ang pakialam ko sa relasyon nila, di ba? Past is past na nga Keishana! Ba't ang kulit, eh?
"Well, like what you've said. He's a busy person. Understandable rin naman ang reason ni Mr. Guevara, right?" binalingan ni Tope si Tristyn na tahimik lang sa tabi ni Erin.
"Yes," tipid niya namang sagot.
Then, it's confirmed.
Magsasalita na sana ako nang dumating naman agad ang order namin. Wala naman akong nagawa kundi ang manahimik na lang habang piniprepare nina Tope at Tristyn ang mga pagkain.
I can't help myself but to stare at Tristyn. Kung ano man ang dahilan ng malaking pagbabago niya ay siguradong, isa ako sa mga dahilan niyon. Malaki rin naman ang nagawa kong kasalanan sa kaniya. Isa pa, hindi naging maayos ang paghihiwalay namin kaya naman ay naiintindihan ko siya. That's the only thing that I can do. It is to understand him.
Kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Erin ay okay lang sa akin, kahit alam kong may part sa akin na naiinggit. But what can we do? We are not meant for each other, and I must respect that fact.
Habang kumakain kami, ay bigla na lang may sumulpot na hindi inaasahang bisita. Lahat kami ay agad na napatingin sa kaniya, at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko, lalong lalo na ang kay Tope nang makilala namin kung sino ito.
What the heck is she doing here?
"Theresa?" hindi ko makapaniwalang sambit.
She smirked at me as she crossed her arms in front of her chest.
"Hello, bitches."