"May girlfriend kana pala?" hindi makapaniwalang saad ni Arkie. "Gag*! Wala," aniya sabay tingin sa gawi ni Eloise upang tignan ang reaksyon ng dalaga. Eloise just looked at him na parang naghihintay ito sa susunod na sasabihin ni Cris. "Wala nga," pag-uulit niya sa kanyang sinabi habang nakangiti sa dalaga. Eloise smirked at her sabay iling. "Talaga lang, huh? Baka, malaman-laman na lang namin may simple kana pa lang pinopormahan!" Nagsitawanan naman sila dahil sa naging wika ni Eloise. Kahit na hindi gaanong nakakasabay si Sarfel sa usapan ng mga ito, pinilit niya na lang ang sarili na makisabay kahit na hindi siya makasali sa usapan nila. "Hindi 'yon mangyayari!" pagtatanggol ni Cris sa kanyang sarili. "Paano ka nakakasiguro?" nanghahamon na wika ni Jianne sa kanya. "Tsk! B

