Kakatapos lamang kumanta ng isang babae na may maikling buhok na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Nagsipalakpakan naman ang mga taong nanonood dahil sa nakakatindig balahibo nitong pagbirit. "Guys! Si Eloise na ang susunod!" biglang sambit ni Jianne nang makita niya ang dalaga sa gilid ng stage na kasalukuyang naghihintay na tawagin siya. Si Arkie na parang kanina pa inaantok ay biglang nagising ang diwa. He immediately sit properly at itinuon ang kanyang tingin sa gitna ng stage. Habang taimtim naman na nakatuon ang buong atensyon ni Voltaire sa dalaga. Eloise keeps tapping her feet on the ground habang walang tigil naman ang pagkagat niya sa kanyang kuko. Voltaire noticed it at napangiti na lang sa kanyang isipan. He find her cute to watch. Umangat ang gilid ng kanyang labi haba

