Chapter 4

2360 Words
Mahigpit ang hawak ni Eloise sa kanyang wallet at sa susi ng kanyang kotse, habang tumatakbo papuntang boutique. Kakagaling niya lang sa sinehan, nang maalala niya na may kailangan pala siyang bilhin na limited edition na dress sa paborito niyang boutique. Eloise Dianne Infiesto Siya ay mabait at happy go lucky na babae. Nag-iisang anak, ngunit hindi siya pinalaki ng kanyang mga magulang na maluho sa kabila ng pagiging mayaman nila. Nagsimula siyang magkaroon ng hilig na mangoleksyon ng mga limited edition na damit, nang siya ay tumuntong ng labing-walong taong gulang. Siya ay kasalukuyang, labing-siyam na taong gulang at naka-enroll sa isang sikat na paaralan. Mahilig siyang kumanta at kapag nagkakaroon siya ng masamang araw, ikinakanta niya na lamang ito dahil iyon ang stress reliever niya. Mahaba ang kanyang kulay brown na buhok. Mala-bilogan ang kanyang mga mata na may makakapal na pilik-mata. May kaliitan ang hugis ng kanyang mukha at parang siopao naman ang mala-rosas nitong pisngi. Siya ay may katangakaran na 5'6 at may magandang hubog ng katawan. HABANG tumatakbo siya patungong boutique, hindi niya naiwasan na hindi makabangga dahil sa labis na pagmamadali. Hindi niya na inatubli pang tignan kung sino man ang taong iyon, dahil no’ng oras na iyon ay walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang dress na gustong-gusto niya. Habol naman ang hininga niya nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng boutique. Laking pasasalamat niya, nang makitang nandoon pa ang dress na buong akala niya ay baka nabili na ito. Ipinakuha niya naman ito agad sa saleslady at saka idinala sa counter upang bayaran. Habang nilalagay ng cashier iyong dress sa paper bag ay nagsalita ito. “Naku, Maam. Mabuti naman ho, at naabutan niyo po itong dress," aniya habang inaabot kay Eloise ang paper bag at kinuha niya naman agad ito. "Bakit naman po?" nagtataka niyang tugon dito. "May pumuntang customer po kasi kanina at hula ko ay balak niya pong bilhin iyang dress." Nakangiti namang tumugon si Eloise dito, "Ganun po ba? Mabuti na lamang at naabutan ko ito." ‘Buti nalang talaga naabutan ko pa, kasi kung hindi... Baka naiyak na ako sa sama ng loob.’ Pagkatapos niya iyon sabihin ay nagpasalamat muna siya rito at dali-daling lumabas ng boutique. Nang makalabas na siya, nagpaling-linga siya at nagbabasakali na makita iyong lalaking nabangga niya kanina dahil sa labis na pagmamadali niya. Ilang minuto na siyang nagpaikot-ikot sa mall, pero hindi niya pa rin makita ang lalakeng iyon. Bagsak naman ang kanyang balikat dahil nabigo siyang hanapin ang taong iyon. "Hindi man lang ako nakahingi ng paumanhin," nanlulumo na usal niya at saka tinahak na ang daan papuntang parking lot. PINAGMASDAN ni Eloise ang hawak-hawak niyang kuwentas na may kulay asul na bato nang may matamis na ngiti sa kanyang labi. Itinapat niya ito sa ilaw, dahilan para kuminang ito. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng tinatawag nilang kilig habang inaalala niya kung paano napunta sa kanya ang kuwentas. Pasado ala-syete na ng gabi at kakatapos niya lang magdinner kasama ang kanyang pamilya. Isinuot niya sa kanyang leeg ang kuwentas at dumiretso sa banyo upang maglinis ng katawan. Pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang humilata sa kanyang kama at pinagmasdan ang kulay asul na kuwentas. “Ilang taon na ang nakalipas, pero ang ganda mo pa rin,” pagtutukoy niya sa kulay asul na bato. Napatingala siya kisame ng kanyang kwarto at nagsalita, “Saan na kaya siya ngayon? Hindi ko na matandaan ang buong itsura niya dahil labing-isang taon na ang nakaraan, magmula no’ng huli kaming nagkita. Pati pangalan niya hindi ko rin matandaan, paano ko siya hahanapin? Paano ko siya makikilala? Eh, hindi naman gano’n katagal ‘yong naging pagsasama namin—- “Sa tingin mo, magkikita kaya kami ulit? Kung oo, paano ko siya haharapin? Paano ko siya kakausapin? At ano namang sasabihin ko kung sakaling magkita kami?” Napabuntong hininga naman si Eloise pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon habang nanatili pa rin na nakatuon ang tingin niya sa kanyang kuwentas. Hinubad niya ang kuwentas at tinignan ito ng maiigi, “Kung mayroong nakakakita sa ‘kin ngayon, aakalain nilang nababaliw na ako dahil panay ang salita ko dito kahit wala naman akong kausap.” Inilagay niya sa kanyang dibdib ang kuwentas at inusal ang mga salitang ito. “There are moments that you can never forget, kahit na ilang taon na ang nakalipas. Mananatili pa rin na nakaukit sa iyong puso ang masayang alaala na iyon. Lumipas man ang ilang taon, hindi ka magsasawang hintayin na maulit muli ang pangyayari iyon kahit na wala itong kasiguraduhan,” unti-unti namang bumigay ang talukap ng kanyang mga mata hanggang siya ay nakatulog na ng tuluyan. KASALUKUYANG naghahanda ng kanyang sarili si Eloise, dahil itong araw na ‘to ay kailangan niyang pumunta sa kanilang skwelahan upang kunin ang kanyang schedule, at para na rin malaman niya kung saan ang kanyang dormitory. Pagkatapos niyang maglagay ng liptint, inilagay niya na ito sa kanyang pouch bag at kinuha ang susi ng kanyang kotse saka lumabas na ng kanyang silid. Hindi niya na naabutan pa ang kanyang mga magulang dahil kanina pa ito umalis para dumalo sa isang business meeting. Nakaparke na sa labas ng kanilang gate ang kanyang kotse nang tuluyan na siyang nakalabas sa main door. Agad na siyang tumungo rito at pumasok. Pinaandar niya na ang kanyang kotse at makalipas ang ilang minuto, pinaharurot niya na ito paalis. Galing si Eloise sa probinsya ng Mindanao, kung saan doon nakatira ang kakambal ng kanyang Lola Amia, si Lola Amelia. Matagal ng patay ang kanyang Lola Amia, at dahil nangungulila si Eloise sa kanyang lola ay naisipan ng kanyang mga magulang na doon na lamang ito hangga’t kailan nito gusto. May kalayuan ang paaralan na pinaglipatan niya mula sa bahay nila. Labis naman siyang namangha nang bumungad sa kanya ang napakataas at napakalaking gate habang papasok siya sakay ng sasakyan niya. Ang entrada nito ay isang malaking tarangkahan na kulay itim. Nakaukit naman ang pangalan ng skwelahan sa itaas na parte nito. Raizen High Nahahati ito sa tatlong gate. Sa gitnang gate ay para lamang sa mga sasakyan. Sa magkabilang gate naman ay para sa walk in kapag ika’y papasok at lalabas ng skwelahan. Isang eldorado stone, ang bawat pillar nito at may maliit na lamp na nakadikit sa harapan. Makikita mo mula sa entrance na nasa loob nito ang guard station. “Kung ikukumpara ito sa dati kong pinapasukan, hindi hamak na mas doble pa ang laki nito....” usal niya nang malampasan niya na ang malaking gate. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang parking lot dahil mayroon naman itong signage. Habang pinapark niya ang kanyang kotse, napansin niya ang napakaraming sasakyan na nakahilera na halatang mga mayayaman talaga ang lahat ng estudyante na nag-aaral dito. Tuluyang na siyang lumabas ng kanyang sasakyan at tinungo ang daan papuntang registrar, kung saan doon niya kukunin ang kanyang schedule. Habang naglalakad siya, hindi niya naman maiwasan na mapatingin sa mga estudyanteng nakakasabay niya dahil sa maiiksi nitong damit. Hindi naman sa naninibago siya, hindi lang talaga siya sanay na makitang ganoon ang suot ng isang estudyante sa loob ng paaralan. Dahil doon sa probinsya, mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang paaralan na magsuot ng mga damit na kulang nalang labas ang iyong kaluluwa. Binilisan niya ang kanyang paglalakad nang makita niyang kaunti pa lamang ang mga taong nakapila. Nakapila naman agad siya at tama nga ang hinala niya, ilang minuto lang ang nakalipas ay dagsa na agad ang mga estudyante sa registrar. “Buti nalang talaga, binilisan ko ‘yong paglalakad ko,” bulong niya sa kanyang sarili. Tapos na iyong nasa unahan niya, hudyat na siya na ang susunod. Nakangiti naman siyang binati ng babaeng kaharap niya, “Good morning, Miss. You are here for your class schedule, right?” Tumango naman si Eloise, “Yes, po.” “What is your fullname?” aniya habang nakatutok sa monitor ng computer. “Eloise Dianne Infiesto,” tugon ni Eloise habang nakapatong ang mga braso niya sa parang desk. Rinig na rinig ni Eloise ang tunog ng printer na kasalukuyang pini-print ang kanyang class schedule. Nang matapos ito ay agad naman itong inilahad sa kanya ng babae. Nagpasalamat muna siya rito bago siya umalis habang hawak-hawak niya ang kanyang schedule. Mayroon siyang sampung subjects, kaya alam niya na magiging abala siya sa taong ito, lalo na’t eto na ang huling taon ng pagiging highschool student niya. Maliban sa class schedule, may ibinigay din sa kanya na mapa kung saan matatagpuan ang girls dormitory. Nandoon na rin sa mapa ang impormasyong kakailanganin niya kung ano ang room number niya. DUMAMPI sa kanyang mukha ang malamig na hangin pagtapak niya sa sementong daanan patungo sa girls dormitory. Lumundag naman sa labis na saya ang kanyang puso nang makita niyang napapaligiran ng naglalakihang mga puno ang daanan. Nakaramdaman siya ng p*******t sa kanyang paa dahil may kalayuan na ang ginawa niyang paglalakad. Mabuti na lamang ay narito na siya sa tapat ng gate. Nanatiling bukas ang maliit na gate kaya doon siya pumasok at dumiretso sa guard post upang magtanong. Nakailang tawag na siya rito pero wala pa ring sumasagot. “Ano ba ‘yan! Saan ba kasi nagpunta ang nagbabantay dito?” nakakunot noo niyang usal habang nakatingin sa kapeng umuusok pa, “Sigurado akong nandito lamang iyon,” palinga-linga niyang saad. Pinagtuonan na lamang ng pansin ni Eloise ang maliit na bato na siyang nilalaro niya gamit ang kanyang paa habang nakasandal ang kanyang buong katawan sa gilid ng guard post. Napagtanto niyang ilang minuto na ang nakalipas, kaya naisipan niyang dumiretso na lang sa dormitory kahit na alam niya na malaki ang tyansa na siya ay maligaw. ‘Mabuti nalang at hindi gano’n ka-araw, dahil baka ngayon pinagpapawisan na ako.’ ani niya sa kanyang isipan. Napadaan naman siya sa isang malawak na parte ng dormitory. Sa tantya niya, isa itong parking lot dahil may nakaukit na puting linya sa bawat gilid nito na may tamang espasyo para sa isang sasakyan. Nasa b****a na siya ng dormitory, namangha naman siya sa modernong disenyo nito. Kumikinang sa kalinisan ang buong kagamitan at palamuti na nandirito at nakikita niya ang kanyang buong repleksyon sa granite nitong sahig. ‘So, this is the kind of dormitory for the elite students? I like it.” Katulad ng kanyang inaasahan ay wala na namang tao sa information desk nito. Napag-isip-isip niya, marahil ay abala ang mga ito dahil sa susunod na araw na ang darating na pasukan. Kahit na wala siya kaalam-alam, tinahak niya nalang ang hagdan patungong itaas at nagbabasakali na mahahanap niya roon ang kanyang kuwarto. Base sa ibinagay na mapa at impormasyon tungkol sa kuwarto niya, nakalahad din rito na may iba siyang kasama. Pang dalawahan kasi ang kuwartong kinuha niya dahil mas gusto niya na may kasama siya para hindi siya mangulila. She was busy looking at her room number when she suddenly strike a metal pipe dahilan para mapadaing siya sa sakit. “Ah! Sh*t!” Napapikit naman siya dahil sa pangingirot nito. Minulat niya na ang kanyang mata at dahil naka-flat sandal siya, kitang-kita niya ang pamumula ng kanyang hinlalaki. Kahit na humahapdi sa sakit ang kanyang paa ay pinilit niya pa rin na abutin ang metal pipe na nakaharang sa daan at itinabi ito para wala nang mabiktima pa. Paika-ika naman siyang naglakad habang tinitignan ang bawat number ng room. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niya na ang room 025. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob, bahagya naman siyang nagulat dahil hindi ito naka-lock. Marahan siyang sumilip sa loob at naramdaman niya na parang may kung ano sa loob ng kanyang tiyan dahil sa labis na saya na kanyang nararamdaman. Pagpasok mo lang, mapapansin mo na agad ang dalawang kama na nasa magkabilang gilid na pinapagitnaan ang glass window na mayroong gray curtain. Nakabukas ng kaunti ang bintana, kaya nagawang makapasok ng sinag ng araw dahilan para mas maging cozy ang buong silid. Sa may bintana, mayroon itong drawer na nahahati sa dalawa na may tatlong row habang may nakapatong na dalawang lampshade sa ibabaw nito. Sa paanan naman nito ay may faux fur carpet na kulay abo. Umupo siya sa kama upang damhin ang malambot na pag-alon nito at hinawakan ang unan na siyang magiging dahilan ng mahimbing mong pagtulog. Inilibot niya pa ang kanyang paningin sa buong silid at nakita niyang may dalawa itong malaking cabinet. Mayroon din itong study table na magkatabi para sa kanyang karoommate at maliit na stand lamp. Napangiti naman siya nang makita niya ang isang munting living room sa kanilang silid at isang tv. Naisipan niyang puntahan ang banyo upang tignan ito nang bigla naman itong bumukas. Dahilan para mapalundag siya dahil sa labis na gulat. Gumuhit naman ang pagkagulat sa buong pagmumukha ni Eloise, nang bumungad sa kanyang harapan ang isang babae na sa tantya niya ay ito ang kanyang magiging roommate. “Uhm... Hi!” puno naman ng sigla ang ginawang pagsasalita ng babaeng kaharap ni Eloise. “H-hello,” nag-aalinlangan na tugon ni Eloise dahil labis siyang nabigla sa biglaang pagsulpot ng dalaga. “By the way, I’m Jianne.... Your roommate.” nagtataka naman siyang napatingin sa dalaga kung bakit kilala siya nito bilang magiging karoommate niya. Mukhang nabasa naman ni Jianne sa ekspresyong ipinakita ni Eloise kaya sinagot niya na ang dalaga kahit hindi ito nagtanong. “Tinanong ko kasi kanina sa information desk kung sino ‘yong magiging roommate ko.” nakangiti nitong saad. ‘Naabutan niya pala iyong incharge dito. For sure, naabutan niya rin iyong nagbabantay sa gate.’ “Ah, kaya pala. By the way, my name is Eloise,” sambit nito kay Jianne na may ngiti sa labi. “Good! Starting this day, we’re now officially best friend!” masigla nitong sabi. Nangiwi naman si Eloise dahil sa sinabi nito dahil hindi niya lubos akalain na iyon ang sasabihin ng kanyang karoommate. Pero napalitan din naman agad ito ng isang matamis ng ngiti at tinanggap ang alok ni Jianne. “Well, it’s okay for me,” sambit niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD