Chapter 16

3420 Words

TULUYAN na silang nakapasok sa loob ng cafeteria. Balak sana ni Eloise na yayain ang kaibigan na sumabay sa kanilang dalawa ni Arkie ngunit umayaw ito dahil may importante pa itong gagawin. Ayaw man ni Eloise na sumabay kay Arkie kumain ng lunch, ngunit wala siyang nagawa. Walang tigil ito sa pangungulit kay Eloise na sabay silang kumain dahil sa dala niyang sweet corn. Malayo pa lang sila sa table na siyang nakalaan para sa apat na lalake, tanaw na tanaw na agad ni Eloise ang likuran ni Voltaire. Agad namang umakbay si Arkie kay Eloise na siyang ikinairap ng dalaga. “Alam mo bang mabigat ang braso mo, ha?” sarkastiko nitong asik sa binata. “Hindi. Mabigat ba?” pa-inosenteng tanong naman ni Arkie sa dalaga. “Tsk! Alisin mo nga ‘yang braso mo! Ang bigat kaya!” reklamo ni Eloise haba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD