Natapos na rin si Devaki na gumamit ng cr. Pagkabukas niya ng pintuan ay may nakita siyang lalaki na nag-aayos ng buhok sa salamin, nagulat siya habang nangangarag at nagtatanong. "Bakit ka nasa cr ng babae?" tanong ni Devaki.Pagkatanong ni Devaki sa lalaki ay humarap ito sa kanya at nagsalita. "Cr ng babae ba talaga ito or cr ng lalaki kasi ang pagkatingin ko sa icon is sign ng lalaki which means, this is the cr for male, ikaw ang dapat kong tanungin kung ano ang ginagawa mo dito?" nakangising tanong ng lalaki. Hindi na alam ni Devaki ang gagawin kaya nagsorry na lamang siya sa lalaki at nagmamadaling umalis. Mabuti at silang dalawa lang ang nasa cr that time kaya wala masyadong naging eksena pero iniisip niya kung masabi nang lalaki na yun na nakapasok siya sa cr ng lalaki ngunit naisip niya rin na hindi siya kilala ng lalaki kagaya ng di niya kilala yung lalaki kaya kumalma na siya ng dahan-dahan papuntang klase. Habang naglalakad si Devaki papunta sa classroom niya ay nakita niyang nakaupo sa gilid ng pinto si Carciara habang nagbabasa , ibig sabihin ay walang klase. Paglapit niya kay Carciara ay tinanong niya ito."Walang klase?" tanong ni Devaki. "Ano ba sa tingin mo at saka bakit antgal mo HAHAHAHAHAHAHAHAHAH saan ka ba pumunta?" sagot at tanong ni Carciara kay Devaki. "Mahabang kwento,mamaya ko na isasalaysay sa iyo." sagot ni Devaki. "Wala namang klase eh, oks lang yan, kwento mo na." tuwang sabi ni Carciara.
Isinalaysay ni Devaki kay Carciara ang nangyari at pati rin si Carciara ay natawa sa nangyari. "Nubayan Dev, wala ka na ngang sense of direction, hindi ka pa tumitingin ng papasukan mong lugar, buti nalang at kayo lang at tao at buti di mo siya kilala pero sigurado ka ba na hindi ka niya kilala?" tanong ni Carciara. "Hayaan mo na yun, wala namang perpektong tao sa mundo, lahat naman tayo nagkakamali basta bahala na." sagot ni Devaki. "Mga dahilanan mo rin eh." sabi ni Carciara. Pagtapos ng kanilang pag-uusap ay dumating na ang guro sa oras ng klase nila at naging maganda ang dalong klase ng buong araw. Dumating na ang uwian, habang naglalakad si Devaki at Carciara ay tumambad ulit sa kanila si Lance. " Nandito ka na naman." inis na sabi ni Carciara. " Ihatid na kita sa bahay niyo." anyaya ni Lance. "Kasama ko si Devaki kaya no thanks nalang." pagtanggi ni Carciara. "Sige, sabayan ko nalang ang pinsan ko sa pag-uwi." malungkot na sabi ni Lance. "Wait, may pinsan ka na nag-aaral dito?" tanong ni Devaki. "Oo at nandon nga siya ph, nakatingin sa atin." sabi ni Lance. Pagkatingin nila Devaki at Carciara sa likod ay dumating ang lalaking tinutukoy ni Lance, ng makita siya ni Devaki ay halos hindi siya makatingin ng maayos, kita ni Carciara ang reaksyon ni Devaki kaya kinausap niya muna ito. "Bes, bakit parang di ka makatingin ng maayos sa pinsan ni Lance, may past ba kayo?" tanong ni Carciara. " Wala, siya lang naman yung naka-encounter ko kanina sa cr." sagot ni Devaki. "OmG, coincidence ba tlaga ito?HAHAHAHAHAHAHA." natutuwang sabi ni Carciara. PAgtapos nilang mag-usap ay sumigaw si Lance para mapapunta sa kanila sila Devaki at Carciara. Pagdating nila ay nagtanong si Lance."Ano pinag-usapn niyo?" tanong niya. "Ah, wala naman." sagot ni Carciara. "Ah siya nga pala, ipapakilala ko kayo sa pinsan ko, si Ricario Vertez or pwede niyo siyang tawagin na Ricky." pakilala ni Lance sa pinsan niya. "Hello, ako si Carciara Bratus at siya naman si Devaki Topaz Veraconio." pakilala ni Carciara sa sarili noya at kay Devaki. Walang ibang nasagot si Devaki at ngumiti lang, pagkatapos nun ay sabay-sabay silang naglakad pauwi at dito nagsisimula ang istorya ni Devaki at Ricky.