Jasmine "Naka block na po kasi ako sa inyo Ma'am eh. Tsaka iniisip ko na baka wala na talaga akong pag asa kaya di na po ako nagpumilit pa na mangulit sa inyo." Dahilan kong sabi dito. Tsaka totoo din naman ang sinabi ko dito na naka block na ako. Mahirap naman na ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanya e ayaw nga nito sa akin. Tumango tango naman ito. "Para yun lang ang ginawa ko sumuko ka na agad." Nadismaya na sabi naman nito sa akin. "Sige pwede ka ng umalis. Yun lang naman ang itatanong ko eh." Biglang pagtataboy na nito at naiiling na tuluyan na sana itong aalis kung di ko lang napigilan siya at hawakan sa kanyang braso. "Sandali lang baby loves! Sorry na po. Itutuloy ko naman talaga na ligawan ka eh. Humahanap lang ako ng tyempo. Huwag na magtampo ang baby loves ko. Sorry

