Jasmine "Ngayon mag uusap na tayo ng masinsinan." Mariing sabi nito sa akin. Napipilitan na tumango na lang ako dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mahamig ang aking sarili. "Unang una gusto ko muna mag pakilala sa iyo. Ako si Arturo Saint Claire. Ama ako ng babaeng sinaktan mo." Galit na pakilala nito sa akin. Agad naman nanlaki ang aking mga mata sa narinig. What!?? Ama siya ni Ma'am Athena? Pero bakit kailangan ako pa kidn*pped nito? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya? At ano raw sinaktan ko ito? Hello!!!! Ako nga ang sinaktan nito eh. Binasted nga diba ako nito. Tapos sasabihin ngayon ng tatay nya na ako pa talaga ang nanakit dito. Ibang klase din naman gumawa ng kwento. Tsk Sumbong ko kaya dito kung ano ang ginawa ng magaling nyang anak sa akin at baka ito pa ang

