Jasmine "Kung ano ano pang dahilan ang mga pinagsasabi mo.!!!. Di mo na lang aminin na late kana talaga nagising.!!! At bakit parang sa tubo pa lang ng pananalita mo ay parang ako pa ang sinisisi mo na di ka kaagad nakapasok dito.!!!!" Patuloy niyang litanya sa akin na galit na galit. Pag di ako nakapagpigil dito ay hahalikan ko na talaga ito at ng tumahimik naman ang bunganga nito. Nakaka kulili sa tenga ang ingay nya. Mabuti sana kung may ginagawa kaming milagro at ganyan siya makasigaw. s**t baka parang musika pa iyon sa aking pandinig. Lalo pa at amoy na amoy ko pa naman ngayon ang kanyang mabangong hininga na siyang tumatama sa aking mukha na samahan mo na rin ng konting laway na sumasama sa tuwing sisigaw ito. Sobrang lapit niya kasi at di ko namalayan na nakatitig na lang ak

