Jasmine Naiiling na umalis nalang ako sa bahay nito. Parang bata talaga ito kumilos ngayon nakakapanibago. Ano kayang nakain nito at papakainin ko ulit non para palagi na lang siyang ganyan na hindi masyadong nakakatakot. Pag kasi nagsasalubong na ang dalawa nitong kilay ay nanginginig na ako sa takot. Alam ko kasi na galit na galit na ito pag ganun. Pero kung yung mga paisa isang taas lang ng kilay ay tingin ko kasi doon ay mild pa lang ang galit niya. Kung baga di pa naka full charge. Napapangiti na lang ako habang nag da drive pauwe. Sulit na sulit ngayon ang pagod ko ah. Imagine di lang ako naka halik at nakayakap sa kanya. Ang higit sa lahat ay pwede na ako magsimulang manligaw dito. May permission na akong ipakita dito ang nararamdaman ko para sa kanya. Akalain mo iyon.

