Jasmine Pasukan na, nag lalakad ako ngayon dito sa hallway ng building namin papunta sa classroom. Buti na lang at nakuha ko na rin last week ang schedule ko. Kaya di na ako nakikipag siksikan ngayon sa registrar para kumuha ng schedule. Mahirap pa naman ngayon lalo na at ang susungit pa naman ng mga staff doon. Kasura lang. Mabuti naman sana kung maganda naman sila eh mga mukhang pinaglihi sa sama ng loob mga itsura. Kainis Nang makarating na ako sa classroom namin ay agad na akong pumasok at baka ma late pa ako. Terror pa naman yung Prof namin ngayon sa first period. Si Ms. Angela Mondragon. Maganda rin sana ito kaya lang masama din ang ugali eh. Parang yung kaibigan lang din nito na si Ma'am Athena. Na mga pinaglihi sa sama ng loob. Prente na akong naka upo dito ng biglang tuma

