Kabanata I

3138 Words
The Longing Home Umuwi ako sa bahay with a heavy heart. Tahimik ang buong bahay nang dumating ako, siguro ay nasa opisina na si Tita noong umalis ako. Ang mga housemaids ay nasa kani-kanilang quarters at nagpapahinga. Noong umalis ako ay nandito pa siya at kumakain. This house was a mansion inspired by nineteenth century houses. Ang magkabilang grand staircase ang unang bubungad kapag ikaw ay pumasok sa malaking front door. Kalimitan, ang mga bahay dito sa Norway ay magkakalapit, iba't iba ang kulay at maliliit sa paningin. Ngunit iba ang bahay na ito dahil masasabi ko itong inherited mula pa sa late grandfather ni Tito Frederick. Sa aking kaliwang bahagi ay ang kusina at dining room. Sa likod nito ay ang laundry room at may sampayan sa likod ng bahay. Sa aking kanan naman ay ang tanggapan ng mga bisita na may tatlong malalaking sofa na nakapalibot sa isang center glass table. Sa baba ng hagdanan ay ang mga kwarto ng mga katulong ni Tita. Pag-akyat sa ikalawang palapag ay may anim na kwarto. Dalawang kwarto ang nagagamit dahil sa akin at kay Tita. Sa aking likod ay may malaking kwarto na nasasakop ang kalahating palapag. Library iyon at opisina ni Tito noong buhay pa ito. I love reading. Kapag may oras ako ay pabalik-balik ako sa library para maghanap ng librong babasahin. Nakakatuwa dahil puno iyon ng mga librong historical, romance and contemporary. Mas gusto ko iyong pampalipas oras kapag namamahinga ako sa pag-aaral at kakatapos lamang ng mga hospital shifts. Kapag toxic ang work, libro lang ang katapat o kaya tulog. Daddy said na namana ko ang kahiligan ni Mommy sa mga libro. Ginagawa niya itong koleksyon dahil gusto niya ang amoy ng mga libro. Malinis at wala man lang punit at gusot ang mga libro noon ni Mommy. Kahit tupi sa gilid ng bawat pahina ay hindi kapansin-pansin. Maalaga siya sa mga ito. Sa labas ng bahay ay may hardin pa na nalalatagan ng bermuda grass. Mahilig si Tita sa paghahalaman lalo na kapag wala siyang ginagawa o day-off sa trabaho. Tuwing umaga ay naaabutan ko siya na nagdidilig o di kaya'y nagtatanim ng mga bulaklak bago ito pumasok. Sa gitnang bahagi ay may ancient hexagon shaped gazebo. Doon ako namamalagi kapag gusto kong magbasa o magmuni. Tahimik at malamig ang simoy ng hangin tuwing summer dahil sa nakapalibot na mga puno at halaman. Sa bansang ito, kapag summer ay hindi ganoon kasakit sa balat ang init kumpara sa Pinas. Ayon sa aking professor noong Med School, thirty seven percent of Norway are forests and there are at least four hundred and fifty thousands freshwater lakes. Most of it were created by glacial erosion. About two-thirds of Norway is mountains and some are fifty thousands islands. Dumiretso ako sa aking kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Ang daming nangyari sa akin sa araw na ito. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa para makaiwas na sa aking nararamdaman. Gab's mad at me, hindi naman madaling umalis sa bansang ito. Napamahal na din ako dito at itinuring ko na itong second hometown. Pero hindi ko dapat talikuran kung saan talaga ako nagmula. I will always love Oslo, the northern lights was my favorite. Country of the voyagers. Gustong-gusto kong natatanaw ang mga bundok sa lugar na ito. Natatabunan ng mapuputing nyebe o kaya naman ay mabeberdeng dahon sa mga puno. It will always have a place in my heart that I will always come back as a promise. Ang aking pag uwi sa Pilipinas ay nagdudulot sa akin ng samu't saring emosyon. Masaya, nasasabik at natatakot. Masaya dahil muli kong mabibisita sina Mommy at Daddy sa sementeryo. Excited dahil sa mga kaibigan ko. At natatakot na baka muli kaming magkita. My friends were very vocal about Marco's life. His success, achievements and recent girlfriend. Dorothy ang pangalan nito at kitang-kita ko sa kanila ang inis kapag mapapag-usapan iyon. They were not fond of this woman and I don't know why. I never seen her in person that's why I don't have the rights to judge. Umalis ako sa Pilipinas kahit na ayaw niya. Wala akong nagawa so we just parted our ways just like that, just like strangers. Hindi ko alam kung ano ang kanyang desisyon dahil noong tinanong ko siya ay hindi naman siya sumagot. Iyon na ang huli naming pagkikita bago ako napunta sa Norway.  I know, I lied. He threw me away. Okay? Sinabi niyang umalis na ako at huwag na akong babalik. Hindi man lang siya nagbaling ng tingin noong umalis ako sa bahay nila. And it hurts me, knowing that he wanted to get rid of me just because I wanted to leave. Ayaw ko lang aminin dahil para akong tinutusok ng punyal sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Sa anim na taon, wala kaming komunikasyon. Hindi naman nya ako tinatawagan o kahit chat man lang, wala. Madalas ko siyang naaabutang online ngunit kahit isang 'kamusta?' ay wala akong natatanggap. Iyon ang naging hinuha ko na wala na talaga kami. Natatakot akong kapag magkita kami ay may iba na siya. Masaya na sa piling ng iba. Ibang babae na ang inaalagaan at nilalaanan ng oras niya. Natatakot akong maiyak sa kanyang harapan habang hindi ko na makayanan ang sakit. Baka hindi ko kayanin na magpanggap na maayos ako kahit hindi naman. Sa loob ng anim na taon, siya lang ang minahal ko hanggang ngayon. Kahit palagi akong nasa hospital ay hindi man lang siya umaalis sa isip ko. Gabi-gabi, tuwing ipipikit ko ang aking mga mata, siya lang ang nakikita. Nangako ako na hindi ako magmamahal ng iba hangga't hindi ko siya nakikitang masaya kahit sa piling ng iba.  Nakatulugan ko ang pag-iisip na iyon at nagising sa alarm ng aking cellphone. Wednesday ngayon at mamayang alas nueve ang flight ko. Alas sais y media pa lamang ay nag-aayos na ako. Na-excite ako dahil finally, makakauwi na ako. Bumaba na ako sa grand staircase at nagtungo sa kusina. Pinaghanda ako ng mga maid ng almusal kasabay si Tita. "Babalik ka dito anak ha. Hihintayin kita." Hinatid niya ako sa labas ng bahay at nakita kong nakaparada na ang isang kulay itim na limousine at naghihintay sa akin.  "I'm missing you already. Hindi ka pa man umaalis." Dugtong niya. Hindi ko na pinasama si Tita sa paghahatid sa akin, mas gusto ko na magpahinga na lamang siya. Hindi naman halata sa kanya ang kanyang edad. She looked seven years younger than her real age. She hates being called old kaya naman ginagawa niya ang lahat para lamang bumata itong tingnan. Wala naman iyong problema sa akin dahil iyon naman ang nagpapasaya sa kanya. But she never get anything done under the knife. Kahit nabubuhay pa ang asawa nito ay maalaga na talaga siya sa kanyang kutis at katawan. "Oo naman Tita, I owe you everything on where I am now. Hinding hindi kita tatalikuran." I smiled and hugged her one last time bago ako tumulak sa sasakyan.  Sa biyahe pinagbilinan ko si Mary, ang ka-close ko sa lahat ng maids sa bahay. You wouldn't believe that she is just a quarter of my age but she got a daughter now. She named it Scarlet after my second name because she wanted to remember me when I am gone. Siya lamang ang sinama ko para tulungan ako sa mga gamit ko. "Mary, take care of Aunt. Make sure that she's taking all her medicines at the right time. Get enough sleep and rests. Make sure she eats only what is prescribed by the doctors." I said. "Got it, Chloe. You take care!" She smiled. "I will. Give my hugs to your daughter. I'm gonna miss you also." Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap. Dahil may edad na si Tita, madami na itong iniinom na gamot. Kadalasan nang sumakit ang kanyang ulo dahil sa stress at sobrang trabaho. At humahanga ako sa kanya dahil hindi iyon halata sa edad niya. Mahirap sa aking umalis lalo na at ako ang nag-aalaga sa kanya. Ako ang kasama niya sa bahay kahit halos punuin na niya ng kasambahay ang mansion. Kaya naman ako ay nababahala ngayong hindi na ako ang kasama niya. Nasa airport na ako at naghihintay na lamang sa announcement ng flight ko. Nilibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng paglalaro sa aking cellphone. Kinagigiliwan kong laruin ang Plants versus Zombies. Natutuwa ako sa zombies habang binabaril ang mga ito ng mga plants para lamang hindi makalapit sa bahay.  Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya pumunta muna ako sa restroom. Good thing at nakachecked-in na ako at tanging hand carry ko na lamang ang dala. Pagkatapos ko ay naghugas naman ako ng kamay. Tumingin ako sa salamin to refreshen up. Nakita kong ayos pa naman ang aking lipstick at may kulay pa din ang aking pisngi na ginamitan ko ng cheek tint. Napukaw ng aking mata ang isang bagay na kumikinang sa aking leeg noong natamaan ito ng ilaw. Isang kulay gintong kwintas na may simpleng disenyo lamang. It has only gold chain and a round small pendant with a diamond at the center. Ito ang kwintas na binigay niya sa akin noong sinagot ko siya. It is still around my neck, I caress it softly. Nag-iingat na baka ito ay mapigtas. Sa nipis ng chains nito ay halos hindi na ito mapansin. It brings back so many memories.  I like it small and simple when it comes to jewelries. Mas eleganteng tingnan para sa akin ang isang alahas kapag maliit at simple lamang ang mga detalye nito. Nagulat ako ng nag-announce na flight ko na. Dali-dali akong lumabas ng restroom at saka sumunod sa daan patungo sa plane. Pagpasok ay agad kong hinanap ang aking upuan a mabuti na lamang at na-assigned sa akin ang paborito kong pwesto sa lahat ng eroplano. The seat beside the window. I am getting more nervous kahit kauupo ko pa lang sa loob ng eroplano. Wala pa ako sa Pilipinas pero parang ang lapit-lapit ko na. Sobra ang kabog ng aking dibdib at pinagpapawisan ang mga palad ko.  Tinapos ko ang aking residency sa hospital na pinagtrainingan ko. Itutuloy ko sa Pilipinas ang nalalabi kong ilang taon ng fellowship. Marami nang hospital ang nag-offer sa akin sa Pilipinas nang malaman ng mga ito ang history ko dito sa Oslo. Ngunit isa lang ang dapat kong piliin kaya kailangan ko pang pag-isipan iyon ng mabuti. May nag-offer sa akin bilang professor sa isang University. Yung iba naman bilang clinical instructor ng Nursing students. Nursing is my pre-medicine course. Para sa akin, mas gusto ko sa hospital na hindi ako kilala. Iyong hindi nila alam ang history sa larangan ko. Because I don't want special treatments. Iba't ibang lugar pa ang mga natatanggap kong emails. Mayroon sa Laguna, Manila, Batangas, Cebu, Davao, Bicol at Cagayan De Oro. Ang dami at hindi ako makapili. Tumagal ng halos walong oras ang biyahe at nag-stop over kami sa Dubai. Bumaba ako ng eroplano at nag-ikot muna. Nakakita ako ng mga nagtitinda ng souvenirs at pasalubong. Kung bibili ako, saan ko naman isisiksik Iyan? Punong-puno na ang aking mga maleta gayun din ang isa kong carry-on. Ang aking hand bag na dala ay puno na din dahil dito nakalagay ang aking mga kakailanganin. Hindi na ako bumili at dumiretso na sa eroplano dahil aalis na ito. Papalapit na ako sa Pilipinas, siyam na oras na lang. Mas lumalakas ang kabog sa aking dibdib kahit naiisip ko pa lang ang maaaring mangyari pagbaba ko ng eroplano. Naalimpungatan ako nang ginising ako ng flight attendant at ipaalam sa akin na nandito na kami sa tamang destinasyon ng trip na ito. Tumingin ako sa bintana at nakitang NAIA na ito. Nasa Manila na ako. Nasa Pilipinas na ako!  Dumagundong ang aking dibdib dahil sa malakas na pantig ng aking puso. Ayokong bumaba ng eroplano. Iyon ang una kong naisip. Tumingin ako sa babaeng nanggising sa akin at nakangiti ito. She is Egyptian and she knows Arabic as well. Masaya siya na nakarating na kami sa tamang destinasyon, pero ako? Hindi ko alam kung ngingiti ba o sisimangot. Parang nag-uugat ang aking katawan sa upuan na tila ayaw gumalaw. Pilipinas na ito, matagal ko nang hinihintay na bumalik dito. Pero bakit ngayon gusto ko na lang bumalik sa Norway? Limang minuto pa bago ko naproseso na nasa Pilipinas na nga ako. Sa aking pagbaba ng hagdanan ng eroplano, nanginginig ang aking kamay at nangangatog ang aking mga tuhod.  Pagkalabas ko sa airport ay nahigop ko ang hangin.  It smells home.  Naramdaman ko ang init ng sikat ng araw.  It feels like home.  Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay biglang tumunog ang aking cellphone. May signal ako dito? Totoo? Tumatawag si Tita at agad ko naman itong sinagot. I cleared my throat before finally speaking. "Hello, Tita?" Garalgal pa din ang aking boses at nauutal sa pagsasalita. "Hi, I miss you, anak. Nasa Pilipinas ka na ba?" Naglalakad ako dala ang aking mga gamit sa isang luggage cart. "Yes, Tita. Kamusta po kayo? Iniinom nyo po ba ang meds niyo?" Hanggang ngayon hindi pa rin ako kampante sa kalagayan ni Tita. Baka nakakalimutan niya ang pag-inom ng gamot kahit na pinagbilin ko na ito kay Mary.  "I'm fine here, 'nak. I texted you the address of your condo. Doon ka na ba didiretso?" Seryoso talaga siya na binilhan nya nga ako ng unit.  "Opo, magpapahinga na din po ako. Medyo masakit pa po ang ulo ko." Hinilot ko ang aking sentido at sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri. "Is that so? Sige, magpahinga ka na muna. Tatawagan ulit kita mamaya. Nagpakuha na din ako ng driver para maghatid sayo. Don't worry about anything okay?" Tita ended the call.  Pati talaga driver ay nakahanda siya. Ibig sabihin may wheels din ba siyang binili? Oh God! Napagtanto ko na tama nga ang aking hinala ng tumigil sa aking harapan ang isang kulay itim na Murano at lumabas ang may katandaang lalaki. Kulay tanso ang kanyang buhok at payat ang pangangatawan. Lubog ang kanyang mga mata at may kulubot na sa ilang parte ng kanyang mukha. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na sa tinagal-tagal kong wala dito ay magkikita ulit kami ng dati kong driver. Nagagalak ako dahil kahit madami na ang taong lumipas, hindi pa din ako nakakalimot. Maging ang mga taong naging parte ng aking buhay ay naaalala pa din ako. "Mang Eboy! Kamusta po?" Ngumiti ako sa kanya at kinawayan naman ako saka kinuha ang aking mga gamit upang ilagay sa compartment. "Maayos naman, Ma'am. Ang laki niyo na ha, madami na ang nagbago sayo. Mas lalo kang gumanda." Natutuwa ako na hanggang ngayon ay nakikilala niya pa din ako.  "Chloe na lang po. Parang hindi naman po tayo ganito dati. Tinatawag nyo pa nga po ako noong 'Let-Let'." Sabi ko. Sinundan ko siya habang papalapit sa sasakyan. Tumawa lang ito sa aking sinabi. Hindi na ito maliksi kagaya ng dati. Dahil na din sa may katandaan na ito kaya maingat na ang kanyang kilos. Nakakahanga at kaya pa niyang magmaneho. Si Mang Eboy ay matagal nang driver ng pamilya ni Mommy. Kinuha siyang driver ko nina Mommy at Daddy noong nasa Calatagan pa kami dahil hindi nila ako makasabay sa kanilang pag-alis tuwing umaga. My school starts on seven thirty in the morning while they usually leave the house around six. Noong namatay si Mommy, ay nagretiro na din ito.  Namiss ko tuloy ang bahay namin sa Batangas. Kapag nakauwi ako doon, dadalawin ko iyon. What would it look like? Kagaya pa din ba ng dati? Naaalagaan pa rin kaya iyon? "Kayo rin naman po, madami na sa inyong nagbago." Nagtawanan pa kami bago kami tumulak paalis. Hinatid niya ako sa BGC kung saan nandoon ang aking condo unit at tinulungan akong mag-akyat ng mga gamit sa aking unit.  "Bigay ba ito sayo ni Ma'am Mercy?" Tinutukoy niya ang condo unit na binuksan ko. Namangha ako sa ganda, linis at laki nito. Wala itong palapag pero malaki pa din para sa akin. Naglalaro lang ang kulay nito sa tatlo, puti, dark blue at sky blue. Alam ni Tita kung ano ang paborito kong kulay kaya naisantabi ko ang lahat at natuwa na lamang. "Opo, ipinangalan niya po ito sa akin kahit ayaw ko. Kaya wala na po akong nagawa kundi tanggapin." Inayos ko sa tabi ang aking mga gamit habang namamanghang nililibot ni Mang Eboy ang aking condo. Nang natapos siya ay binigay niya sa akin ang susi ng kotse. "Maswerte ka Iha, kaya dapat hindi mo nakakalimutang mag pasalamat at tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong mapaganda ang buhay mo. Mabait kang bata kaya nararapat lang maranasan mo ang mga ito. Marunong ka na bang magmaneho?" Kinuha ko ang susi ng kotse sa kanyang kamay at ipinatong iyon sa lamesa katabi ng susi ng aking condo. "Opo naman Manong. Nagdriving lessons po ako sa Norway dahil ni Tita. Hindi kasi minsan available ang driver niya kaya ako ang kahalili. Salamat po, maaari nyo na po akong iwan dito." Ngumiti ako sa kanya at gayun din siya sa akin.  "Sige, mag-iingat ka. Huwag mong hahayaang bukas ang pintuan mo." Siya na ang nagsarado ng pinto at ni-lock ko na iyon. Malaki ang condong ito. Sa aking kaliwang bahagi ay ang sala na may isang mahabang sofa at dalawang single sofa. Sa gitna ay isang glass center table, sa ilalim ay mga magazines and news papers. Sa likod ng sala ay ang dalawang kwarto. Bakit naman dalawa? Ako lang naman ang titira dito.  This was spaciuos! Mag-isa lang ako dito at hindi din naman ako palaging nandito sa loob kaya hindi ko din ito malilinisan at mababahayan ng ayos. Mayroon ding banyo katabi ng dalawang kwarto, restroom lang ito walang shower o bath tub. Sa kanang bahagi ay ang kusina na may counter pa. Malaki ang kusina na sinasakop ang one fourth ng silid. Siguro ay dahil madaming gamit. May refrigerator na double doors pa, may hanging cabinet na sumasakop sa kahabaan ng lababo. May gas stove at oven na din!  Pumintig ang aking sentido kaya napagdesisyunan kong pumasok na sa aking kwarto. Hindi ko pa naaayos ang aking mga gamit, siguro mamaya na lang kapag nakapagpahinga na ako. Sa aking kwarto ay ganoon pa din ang kulay, malawak din ito at sinasakop din ang one fourth ng silid. Isang queen sized bed at may dalawang lamesa na may drawer sa magkabilang gilid nito. Katapat ng kama ang walk-in closet na pinasadya ni Tita para sa akin. Katabi nito ang banyo at malawak din ito. May shower room na katabi ang single jacquzzi. Bago iyon ay ang toilet, sink na may vanity mirror na nasasakop ang kalahati ng aking katawan. Katabi ng salamin ay isang medium-sized cabinet para lagyan ng aking mga toiletries. This was a long day for me. Tiring and made me feel dizzy. Mabigat ang aking katawan at parang hindi ko ito kontrolado. Pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa malambot na kama. It gives me comfort and relief sa mahabang biyahe. Bumibigat na ang mga talukap ng aking mata at hindi ko na namalayan ang aking pagkakahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD