Who's Mysterious?
Tatlong araw ang ginugol para sa intamurals. Sa tatlong araw na iyon, wala akong ginawa kundi ang manood ng mga laro, umupo at matulog sa classrooms nang patakas. Maya't maya din ang laro ng aming team lalo na sa basketball. Talo kami sa Sepak Takraw, Chess at Volleyball Boys. Ngunit mas pokus kami sa basketball. Ngayong araw ang huling laro para sa basketball, kumbaga championship na sa gitna ng dalawang team.
"Kampante na ako na tayo ang mananalo. Itsura pa lang ng mga iyan ay wala na silang magagawa sa liksi ng ating team." Husga ni Bethany habang mapanlisik ang mga matang nakapokus sa kabilang kuponan.
Nakatayo kaming muli sa stage kagaya ng mga sumunod na araw. Kung dati ay crowded na ang gymnasium, ngayon naman ay halos lahat ng team members ng dalawang grupo ay nandito. Maging ang ibang team na hindi nakasali sa chamionship ay manonood din. Punong-puno ang paligid ng court dahil sa mga estudyante. Maging ang mga guro ay nanonood na din. Puno na din ng tao ang taas ng stage. Nagsisiksikan na nga kami para lamang makahanap ang iba ng magandang pwesto at makita ng maayos ang mga maglalaro.
"Ay! Laitera 'te? Grabe ka naman." Pagtatanggol ni Isabella sa kabilang grupo.
"Magandang umaga Technites! At sa lahat ng mga estudyante at mga guro na nandito ngayon sa gym. Ngayon, ay matutunghayan natin ang pagtutuos ng dalawang grupo para sa titulo ng championship!" Sabi ng committee. Sigawan agad ang iginawad ng mga tao pagkatapos magsalita ng committee.
"Kumalma po tayong lahat at magsisimula na ang palaro." Hiwayan at talunan ang mga tao. Tila na-eexcite sa magaganap na laro.
"Sa pagkakataong ito, kalimutan niyo muna ang lahat ng babae sa inyong buhay. Ang bola muna ang inyong kasintahan. At kayong lahat ang kanyang boyfriend. Madami kayo, teamwork ang kailangan dito! Protektahan niyo siya at all cost! Understood?" Narinig kong pangaral ng aming team coach sa mga players.
Kakaibang payo ngunit alam kong epektibo.
"Yes coach!" Sigaw naman ng mga ito.
Tinawag na ang mga kalahok ng magkabilang grupo. Pumunta na ang mga ito sa gitna at doon nagtipon. Binigyan sila ng five minutes warm up para makapag-practice at magbanat man lang ng mga buto. Kanya-kanyang estilo ng pag-eensayo ang ipinakita ng mga kalahok. Ang aming koponan ay sunod-sunod na nagpapa-shoot sa ring habang ang kabila naman ay nag-stretching.
"Ang galing pala talagang maglaro ni Marco, Chloe. Sagutin mo na kapag naging champion tayo ha." Bethany said.
"Magkaibigan nga lang kami," tanggi ko.
"Talaga bang kaibigan lang? Kung maalagaan ka, lampas na sa pagiging magkaibigan." Sabat naman sa amin ni Lauren. Lumipat pa ito sa aking tabi at doon tumayo.
"Ayoko na doon, ako palagi ang puntirya ni Isabella." Humalakhak pa ito.
"Ganoon talaga siya. Kahit naman sa inyo ay maalaga din siya." Sabi ko habang tinitingnan siyang nagpapa-shoot ng three points. Hindi pa man kami nakakapunta sa canteen ay may bitbit na ang tatlo ng mga pagkain at tubig para sa aming lima noong minsang makasalubong namin ang mga ito. Binili daw iyon lahat ni Marco para sa amin.
Agad naghiyawan ang mga tao nang mag-shoot ang bolang kanyang binato sa ring. Ginawaran niya ng ngiti ang mga taong malapit lang sa kanyang pwesto na nagtalunan pa. Nagtatakbo siya pabalik sa likod ng huling ka-team nito para maghintay ulit ng kanyang pagkakataon na maka-shoot ulit sa ring.
"Kapag hindi ka pa kumilos, mauunahan ka." Bulong sa akin ni Lauren.
"Madaming higad sa paligid. Sige ka, magsisisi ka." Bulong din sa akin ni Bethany.
"Kung talagang seryoso siya sa akin, makukuntento siya at matutong maghintay." Sambit ko.
Hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa din ako. Kagabi pa itong gumugulo sa aking utak. Kung ipapatuloy ko ba ang panliligaw niya o maging magkaibigan na lang kami? Ang hirap naman kasing bumagay sa kanya. Sa tingin pa lang ng mga tao, malalaman mo na hindi nila ako gusto. Panay naman ang udyok sa akin ni Bethany at Lauren. May ipinupunto din naman sila. Aaminin ko na tama ang kanilang mga sinasabi. Pero hindi ko naman alam kung seryoso si Marco sa panliligaw niya sa akin. Maalaga at buong atensyon niya ang ibinibigay sa akin. Masasabi ko din na spoiled ako sa kanya, kahit na anong hingin at kailanganin ko ay bigay niya agad hindi ko man hinihingi sa kanya.
"I find him mysterious," I whispered.
Nagsimula na ang laro, napuntang muli sa aming team ang bola. Kasali din sa first five sina Marco at ang dalawang matangkad na lalaki sa aming team.
"Ayan na!" Bethany said pleasantly.
Itinatakbo ni Marco ang bola malapit sa ring. He continue on dribbling it like it was made for him. All of his moves was perfect, parang walang ginawang mali sa kanya. Maging ang pagtaas nito ng kamay para magtawag ng kakampi ay perpekto niyang ginawa. Tumakbo palapit sa kanyang gilid si Wilder. Alerto niyang pinapakiramdaman ang kalabang humaharang sa kanya papunta sa ring. Hirap na hirap itong makalusot sa liksi at todo bantay ng kalaban sa anumang gagawin niyang kilos.
"Uh-oh, Marco's in trouble." Sambit ni Bethany habang hindi inaalis ang tingin sa mga naglalaro.
"I told you, don't judge a book by its cover." Singit ni Isabella habang nakatingin din sa mga naglalaro.
Tama ang kanyang sinambit, nakikitaan ko naman ng frustation ang mukha ni Marco. Kahit gaanong kadeterminado ang kanyang mga mata, hindi makakatakas sa aking paningin na nahihirapan nga ito. Sa tatlong araw, maya't maya silang tinatawag para maglaro. Nararamdaman ko ang kanyang pagod maging ang kanyang mga kasagpi. Hindi sapat ang kanilang pahinga sa tinitigilang classroom. Kapag natatapos ang laro, natutulog ang mga ito para makapagpahinga. Hinayaan naman namin sila para magkaroon sila ng lakas sa susunod na laro. Ngunit hindi ako binigyan ng pagkakataon ni Marco na umalis ako sa kanyang tabi. Sa aking arm rest na inuupuan pa mismo siya umuubob para matulog. Hinahawakan pa pati ang aking kamay para wala talaga akong takas sa kanya. Hinahayaan ko na lamang dahil alam kong iyon na lamang ang magagawa ko para kahit paano ay mawala ang pagod nito.
Naghihintay na si Wilder na pasahan siya nito ng bola mula kay Marco. Kumanan si Marco ngunit agad ding sumunod sa kanya ang kalaban. Para iyong anino na sumusunod kahit saan ka magpunta. Patuloy ang kanyang pag-dribble sa bola, tumalikod ito sa kalaban para makatakas sa kanyang bantay. Hindi niya inaasahan ang biglang pagpuslit ng bola ng kalaban sa kanyang pagkakahawak. Bago pa ito makatalikod ay naabot ng kalaban ang bola at hinila iyon palapit sa kanya. Sumabay ang hiwayan ng mga tao. Agad namang iyong naitakbo ng kalaban papunta sa kabilang ring. Sandali siyang natigilan, maging si Wilder. Hinilamos niya ang kaniyang dalawang palad sa kanyang mukha, lumapit sa kanya si Wilder at tinapik nito ang kanyang balikat. Nasa kabilang ring na ang iba nilang kakampi at nahuli silang tumakbo para magpatuloy sa laro. Lumusot siya sa gitna ng mga kalaban palapit sa may hawak ng bola. Sa bilis ng kanyang kilos ay hindi agad iyon napansin ng mga tao. Nasa kabilang dulo naman pumwesto si Wilder para alalayan si Marco, malapit sa two point line. Katapat niya si Oliver na nasa ganoon ding pwesto.
"Like a flash!" Sigaw ni Bethany nang makitang gumalaw si Marco.
Doing a spin move, mabilisang inagaw ni Marco ang bola sa kalaban. Pinatalbog niya iyon sa ilalim ng kanyang mga hita, sa kanyang pagtalikod ay kasabay ang paghawak nito sa bola. Agad niya iyong itininakbo habang pinapatalbog papunta iyon sa kabilang ring. Nabuhay muli ang hiyawan ng mga tao. Lalo na nang na-shoot ito ni Marco, unguarded by the opponent. Mabilis ang kanyang takbo kaya hindi siya naabutan sino man sa mga kalaban. Pumwesto siya sa gilid ng ring at tumalon upang palusutin ang bola sa ring. Nagpalakpakan ang mga tao sa kanyang ginawa. Agad naghanap ang kanyang mga mata sa aming kinagawiang pwesto kapag nanonood. Nang nagtama ang aming paningin, simulay ang kanyang pagkatamis na ngiti.
Marco naman, lalo mo akong binibihag sa ganyang ngiti.
Napansin iyon ni Bethany at Lauren, pinaulanan agad nila ako ng kantyaw na maging sina Isabella ay nakisali na din. Sampung segundo ang natitira bago matapos ang first quarter. Tagaktak na ang kanilang mga pawis pero patuloy pa din ang laro. Nangunguna ng isang puntos ang kalaban at itong si Bethany ay halos murahin na ang kabilang team dahil sa kanyang inis.
Hawak ni Wilder ang bola at pinapatalbog niya ito gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Ang kanyang kanan ay naka-extend dahil sa kalaban na nakabantay sa kanyang likod at gilid. Si Oliver ay nakaabang na sa ilalim ng ring. May bantay silang dalawa ni Marco at hindi sila makawala sa mga ito. Kahit ang galaw ng dalawa ay sinusundan ng kanilang bantay kaya hirap silang makawala sa mga ito. Nang makahanap ng tyempo si Wilder, palobo niya itong binato sa direksyon ni Oliver. Sinundan niya ito ng tingin maging ang kanyang bantay, tumalon siya ng mataas para abutin ang bola kahit hirap siyang walain ang kalaban. Kumapos iyon sa ring kaya siya ang nagpalusot niyon.
"That was a freaking dunk!" Sigaw ni Isabella. Pumalakpak pa siya at proud na proud para sa kanyang kasintahan.
He has the ability, because he is tall.
Sinambot naman iyon sa ilalim ni Marco. Ang bantay nito ay ginagaya ang kanyang mga galaw na para itong isang repleksyon. Pinatalbog niya ng isang beses ang bola kahit nasa likod nito ang kanyang bantay at muling pinalusot ang bola sa ring. Lumalakas na lalo ang hiyawan ng mga tao sa ipinapakitang galaw ng mga manlalaro. May tumatalon at mayroong ding naghihisterya na sa pasigaw. Maging ang aking mga kaibigan at nakikisigaw na din, nag-iingat pa sa pagtalon-talon. Si Marco, Wilder at Oliver ang nagiging bukang bibig ng mga tao dito sa loob ng court. Talagang kahanga hanga naman ang kanilang paglalaro lalo na kapag nagtulungan na ang mga ito.
"And a putback!" Sigaw ni Everly. Muntikan pa itong mahulog dahil nawalan siya ng balanse. Mabuti na lang at nahawakan siya ni Monica at nahila pabalik.
"Grabeng teamwork iyon ha!" Sigaw ni Bethany.
Nagsasalita ang mga committee ngunit mas nangingibabaw ang hiyaw ng mga tao. Tila nagiging bulong na lamang iyon sa loob ng gymnasium. Sa ginawa nilang iyon, nakaabot iyon sa sampung sengundo. Tumunog ang buzzer kasabay ang hiyawan ng mga tao. Bumalik ang mga manlalaro sa kanikanilang station para sa water break. Lamang na kami ng tatlong puntos dahil sa ginawa ng tatlo.
May sarili akong dalang tubig, nakita iyon ni Marco kaya sa akin siya dumiretso. Umupo ako galing sa aking pagkakatayo at inabot ko sa kanya ang tubig at ako na mismo ang nagbukas bago ko ibigay sa kanya. Nagkusa ang aking mga kamay na kuhanin ang aking panyo sa aking bulsa. Without knowing, pinupunasan ko na ang pawis na tumutulo sa kanyang noo at leeg. Nakatingin lamang siya sa akin habang ginagawa ko iyon. Pinipigilan ang multong ngiti na lumabas sa kanyang mga labi. Ibinalik niya sa akin ang tubig na nangalahati na dahil sa kanyang pag-inom.Pagkatapos ko siyang mapunasan ay pumunta na siya sa kanyang mga kagrupo. Tinapik siya ng mga ito bilang bati at pagpansin sa ginawa niya kanina. Tumabi siya sa coach nila para makinig ng gagawin nilang taktika.
Bumalik ako sa aking pagkakatayo, nang tingnan ko ang ang aking mga kaibigan ay nasa akin lahat ang mga mata ng mga ito maging ang ilang tao dito sa stage. Agad akong nailang sa mga matang nakatuon sa akin. Hindi pa man din ako sanay kaya nagtago ako sa gilid ni Lauren.
"Sino sa inyo ang mas misteryoso?" Bulong sa akin Lauren. Nag-init ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Kumakabog ng pagkalakas-lakas ang aking dibdib sa mga matang nakatuon sa akin. Sana pala ay hindi ko na lang ginawa iyon sa kanya. Nagkaroon ng sariling isip ang aking mga kamay kaya ko iyon nagawa. At ngayon, pinagsisisihan ko ang aking ginawa.
Nasa huling quarter na ang laro at ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang mga tao ay mas nag-iinit na sa kakasigaw at pag-cheer sa mga manlalaro. Mabuti na lamang at humupa na ang mga matang nakatingin sa akin, unti-unti na akong nagiging komportableng muli sa aking pwesto.
"Last game na, mahahabol pa kaya nila tayo?" Kampante si Bethany sa kanyang sinabi. Totoong lamang na nga ang aming team. Tambak na ng labing dalawang puntos.
"Katorse! Katorse! Katorse!" Sigaw ng madla. Nagkaroon pa ito ng ritmo kaya naging parang cheer ito ng mga tao.
"Oliver ko! Galingan mo!" Sigaw naman ni Isabella. Hindi talaga ito nagpatalo at nakisali pa sa sigawan kasabay ng mga tao. Kinindatan pa siya ni Oliver at pagkatapos ay nag-flying kiss pa si Isabella. Pumasa ere pa ang kamay ni Oliver para sambutin ang halik sa hangin ni Isabella.
Ang corny ha?
"Ano Bethany? Hindi mo i-cheer si Wilder? Kailangan niya din ng cheerer." Sambit ko. Agad na umikot ang kanyang mga mata.
"Kaya niya sarili niya. At hindi siya kacheer-cheer." Masungit nitong sagot.
Nasusulyapan ko ang pagtitig sa akin ni Marco sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko siya matingnan dahil sa ginawa ko kanina. Nahihiya akong iharap ang aking mukha dahil alam ko, na aasarin niya lamang ako kapag nagtama ang aming mga paningin.
Sa buong laro, hindi man lang lumalabas ang tatlo. Hindi sila nakikipagpalit sa iba pa nilang kasagpi. Walang gustong magsubstitute at kagustuhan din iyon ng kanilang coach. Gusto kong maulit ang ginawa nila kanina para talagang manalo na kami. Tumunog na ang buzzer, nagtipon nang muli ang mga manlalaro sa gitna at pumwesto na. Nasa kalaban ngayon ang bola. Nag-change court na din kanina pang third quarter kaya lumipat din kami ng pwesto. Nagsimula na muli ang laban, halata na sa mga manlalaro ang pagod ngunit hindi sila natinag at nagpatuloy sa laro. They were both eager for the title. Hindi lang ito para sa kanila, kundi ay para na din sa school. Pareho nilang gustong makamit iyon kaya hindi sila nagpatinag sa pagod at sakit ng katawan. Dinig ko na pipili sa kanila ang basketball coach ng manlalaro para irepresenta ang eskwelahan sa magaganap na district.
One of the opponent is dribbling the ball side to side. Papalit-palit iyon sa kanyang mga kamay, tila nililito ang aming team. Nasa likod nito si Marco. Sa kaniyang angking bilis, sa paglipat ng bola sa kaliwa ay agad niya itong hinablot at pinatalbog palayo. Nabuhay muli ang hiyawan ng mga tao, may naririnig na din akong mga torotot at tambol na ginamit noon sa opening pa lamang. Mas nakadagdag iyon sa ingay. Sa paglapit niya sa ring, agad na may humarang sa kanyang kalaban. Hindi nito napansin ang pagharang din ni Wilder at iurong ito palayo sa kanya kaya nagkaroon ng pagkakataon si Marco na magpatuloy sa pagtakbo. Sa gilid na siya dumaan, may humarang na naman sa kanya at muntik nang maagaw ang bola. Tumili ang mga babae sa nasaksihan. Maging ako ay kinabahan sa nangyari at napasigaw na din, natakpan ko agad ang aking bibig at nagpokus na lamang sa laro.
Pinasa niya sa ilalim ang bola kay Oliver at ito ang nag-shoot sa ring. Hindi ko alam kung paano napunta doon si Oliver dahil noong huli ko siyang kita ay naharangan ito ng dalawang kalaban malayo sa tayo ni Marco. Nasambot iyon sa ilalim ng kalaban kaya tumakbo ang mga ito sa kabilang ring. Tinignan ko si Marco na naiwan sa gilid ng ring. Mabilis ang kanyang paghinga at kita ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat habang nakapamaywang pa. Bahagya siyang umupo at itinuwid ang mga paa. May lumapit agad na kasagpi nito at hinilot ang kanyang binti at paa. Binanat pabalik ang kanyang sapatos habang parang pinipisil ang kanyang tuhod.
"Oh my gosh! Kinikisig si Marco!" Sigaw ni Bethany.
"Ngayon pa siya nagka-muscle cramps?! Patapos na ang game." Pahisteryang sigaw ni Monica.
Alalang-alala sa kanya ang mga tao. Hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan. Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa. Kahit tahimik at nakamasid lamang ako, kinakabahan na ako sa loob ko. Nasasaktan siya kaya mas nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. Nakikita ko ang pagkunot ng kanyang noo at paghihirap sa kanyang ekspresyon. Humiga pa ito, nagbabakasakaling maibsan ang nararamdamang sakit. Naluluha ako sa aking nakikita. Hindi ko pala kaya na nakikita siyang kumukunot ang mukha sa nararamdamang sakit. Nagpasubstitute muna siya sa iba pa nilang kasagpi. Nakaupo na ito ngayon sa kanilang bangko habang hinihilot pa din ang tuhod at binti.
I wanna do it mayself but I can't. Wala akong lakas ng loob. Hindi ako magtataka kung pagtitiginan muli ako ng mga tao.
Labing limang segundo na lamang ang natitira. Nakakahabol na din ang kalaban kaya agad akong kinabahan. Humingi ng time out ang coach ng aming team, sampung segundo lamang ang ibinigay. Pinalibutan nila ang kanilang coach para makinig sa kanilang gagawing taktika. Muling ipinasok si Marco nang naging maayos na ang kalagayan nito. Tumunog na ang buzzer at nagsimula na ang laro. Agad siyang kumilos para agawin ang bola. Sumunod sa kanya si Wilder at Oliver para mangharang ng kalaban. Pinadaan ng kalaban ang bola sa kanyang likod, hindi pa man ito nakakalipat sa kabilang kamay ay nahablot na iyon ni Marco.
"Pambansang stealing ang peg! Ang swerte mo talaga, Chloe." Sigaw ni Bethany.
Pinatalbog niya palayo sa kalaban ang bola habang palapit sa kabilang ring. Sa tuwing may humaharang sa kanya ay ginagawa niya ang spin turn at tumatakbong muli. Limang segundo na lamang ang natitira at malapit na siya sa ring. Sina Wilder at Oliver maging ang dalawang kasagpi ay humaharang sa mga kalaban na nagtatangkang lumapit sa direksyon ni Marco. Nasa ilalim na siya ng ring ngunit may biglang sumulpot na kalaban. Hinaharangan siya nito na ma-shoot ang bola. Agad siyang humakbang paurong ng dalawang beses habang pinapatalbog ang bola. Sumunod sa kanya ang kalaban kaya't mabilisan ang kanyang naging kilos. Umikot siya sa kaliwa nito at duon tumalon para palusutin ang bola sa gilid ng ring. Sa pagpindot ng committee sa buzzer ay siya ding pasok ng bola sa ring. Agad na naghiyawan ang mga tao at nagtatalon. Tili ng mga babae ang mas nangibabaw at nag-uunahang lumapit sa aming team.
"Victory!" Maligayang sambit ni Isabella.
"What an intense game!" Sigaw naman ni Bethany. It is intense, indeed.
"Ang galing!" Sabi naman ni Monica at Everly.
Kahit panalo ang aming team, hindi pa rin maalis sa aking isipan ang nangyari kanina kay Marco. Nakikita kong nasasaktan ito at pagod na pagod ngunit hindi ito humihinto ay pursigidong manalo sa kabila ng pangingisig ng kanyang mga binti.
Sa sobrang pagod, maaaring mangyari nga iyon lalo na at hindi ito lumalabas sa mga laro.
I cannot help but feel pity for him.