Kabanata XLVII

4550 Words

Named it Chaos Hindi ako aalis hangga't hindi ko ulit siya nakikitang gumising. Kanina ay gumising na siya ngunit agad ding ipinikit ang mga mata. Pagod at hinang hina si Chloe sa puting kamang nasa aking harapan. Nararamdaman ko pa din ang haplos ng kanyang malambot na palad sa aking pisngi upang pawiin ang aking luha. Hindi ko napigilang maging mahina sa kanyang harapan habang nakikita syang ganito. Gusto kong sisisihin ang aking sarili sa nangyari. Kung sana ay mas hinigpitan ko ang seguridad niya ay hindi ito mangyayari. "Ano ba talagang nangyari?" Boses ni Gus ang narinig ko sa aking likuran. wala akong balak na harapin siya dahil baka kapag lumingon ako sa kanya ay may kung ano na namang mangyari kay Chloe. Gusto ko palagi akong nakatingin sa kanya. "Hindi ko din alam," Sagot ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD