Stacey NASA HIGHWAY SIYA, NAG da-driva patungo sa building ng agency niya, ng may mapansin sa billboard. It was just a second, but she surely read her name, she was sure it was her name! Napalingon siya ulit sa billboard. Nakasulat in bold letters sa billboard na iyon ang mga katagang: Will you be mine again, Stacey? #TeamNylon. Kung hindi lang niya narinig ang preno ay baka napasalampak na ang kotse niya sa unahang kotse sa sobrang gulat sa nakita. What lunacy is this? She called her agency, tutal ay pareho sila ng agency, she knew that Nylon alone couldn’t pull a stunt as large as this one if he is just alone. Surely, he is backed by some people to do this grand gesture. Lumitaw sa linya ang isa sa mga manager nila, he sounded excited, pinapupunta siya sa meeting

