Always Look Around You
Chapter Eleven
Rose
TINITINGNAN ko ang pa VIP kong mga kaibigan na kanina pa namin hinihintay papunta sa camp. Sila Krystal at Mae.
Tss. Ano ba akala nila? Fieldtrip to? Nag-sama pa silang dalawa kumuha ng pagkain e ang dala lang naman nila ay mga saging. Ano kami unggoy?
Ito pa si Krystal, may gana pang gumala alam namang ililibing pa si Bryan? Kasama pa si Mae na puro kadaldalan at laging nakangiti.
"Buti dumating na kayo. Ililibing na natin sila Bryan at Reggie." Sabi ni Dominic.
"Huh? Reggie? Nag jo-joke ka ba Dom? Buhay pa si Regs!" Sabi ni Mae.
Biglang nanaig ang katahimikan at binalot ang lugar namin ng kalungkutan. Walang sumagot sa amin.
"Pa-patay na siya?!" Naguguluhan at 'di makapaniwala na tanong ni Mae at tiningnan kami na parang nanghihingi ng sagot sa amin.
"Wala na siya Mae. Pinatay siya ng demonyo nating kaibigan." Sagot ni Gwyneth. "Let's go Guys." Sabi ni Gwyneth at nag-simula nang mag-lakad.
Sumunod sila Dominic,Elijah,Drake,Greg at Mazuzuki na dala-dala ang mga bangkay nila Bryan at Reggie. Sumunod kaming mga babae sa kanila habang sila Krystal at Mae na nilapag muna ang mga nakuha nila sa isang lugar tsaka sumunod din sa amin.
Nag-lakad kami ng nag-lakad hanggang sa tumigil kami sa destinasyon namin, kung saan nilibing din ang katawan ni Claire.
Nag-simula nang mag-hukay ang mga Boy's gamit ang isang flywood, yung iba ay ginagamit ang mga kamay at paa nila.
Kung titingnan madali lang nahuhukay ng mga Boy's ang lupa kasi malambot ito, kung siguro matigas na bato yan? Bukas pa kami natapos niyan sa mga ginagamit nilang pang-hukay.
Hayy. Nakakabwiset lang talaga tong nangyayari sa amin. Nakaka asar na hindi malaman sa ka bobohan ni Gwyneth. Ang tanga lang kasi talaga e. Punyemas na desisyon niyan ni Gwyneth na mag-stay pa dito talaga. Walang kwentang lider, lider-lideran.
Tiningnan ko ang paligid. Kumukulimlim na ang mga ulap at dumidilim na din ang paligid ng gubat, nakikisabay pa ata sa pag-dadalamhati ng nangyayari sa amin.
"Ok na, pwede na ito Gwyneth." Sabi ni Dominic at pinunasan ang pawis.
Lumapit si Gwyneth at tumango "Ilibing niyo na sila Bryan at Reggie, uulan pa ata." Sabi ni Gwyneth.
Lumapit kami sa pag-lilibingan nila Bryan at Reggie at tiningnan ito. Hindi naman ito kalaliman pero sakto lang para mailibing silang dalawa.
Tumulong kami sa kanila ibaba sila Bryan at Reggie at nang matapos ay tinabunan namin ng lupa ito. Nag-dasal kami para sa kanilang kaluluwa bilang pag-galang.
"Ok na, tara na sa camp." Sabi ni Gwyneth matapos ang pag-dadasal namin.
Nag-lakad na siya na sinundan naman namin. Lakad lang kami ng lakad nang maramdaman namin ang mga patak ng ulan na dumadapo sa balat amin.
"Uulan pa ata." Sabi ni Lyn.
"Kaya nga." Sabi ni Jericha.
"Bilisan na natin, tumakbo na tayo bago lalong lumakas yan." Sabi ni Gwyneth.
Nag-simula na kaming mag-takbuhan, nag-mamadali kami hanggang sa mag ka hiwa-hiwalay kami ng direksyon at maiwanan ang iba.
Lalong lumakas ang mga patak ng tubig hanggang sa umulan na ito ng malakas.
Tumigil ako at tiningnan ang lugar kung nasaan ako. Puro puno at wala na ang mga kaibigan ko. Nilipat ko ang tingin ko sa damit ko at basang-basa na ako.
"Damn! Damn this day!!!" Ani ko sa inis sa nangyayaring bwisit sa akin.
Nag-lakad na ako habang minumura sa isip ang nangyayari sa akin, hindi na ako tumakbo dahil basa nadin naman ako kaya sayang din kung tatakbo pa ako pabalik para sumilong at hindi mabasa e ganun din naman na. Basa nadin ako.
Lakad lang ako ng lakad nang may bigla ako naaninag na dalawang tao sa malayo. Lumakad ako palapit doon nang dahan-dahan at hindi gumagawa ng ingay.
Nag-tago ako sa puno at pinagmasdan kung sino ang dalawang yun. Nag-uusap sila ng seryoso at masinsinan.
Sila Asprid at Jericha.
Ano kaya ang pinaguusapan nila? Bakit?
Pinagmamasdan ko lang sila nang bigla nalang ako makarinig ng putok ng baril at nakitang bumagsak si Jericha.
Napayuko ako at tinakpan ang tainga ko habang nakatago parin sa puno. Sino iyon? Sino yung nag-paputok ng baril? Sino ang pumatay kay Jericha?
Humihinga ako ng mabilis dahil sa pagod ko kanina at sa tensyon na ng nangyayari ngayon. Ambilis ng t***k ng puso ko, nakakanerbyos.
Dahan-dahan muli akong sumilip at nagulat nalang sa nakita ko. Si Asprid... Nasa harapan ko at may hawak na kutsilyo.
"I-ikaw?" Tanong ko ng ninenerbyos at hindi makapaniwala.
Ngumiti lang ito at sinaksak ako sa bunbunan ng ulo ko. Naramdaman ko ang sakit nang ginawa niya iyon. Inulit niya muli hanggang sa mawalan na ako ng ulirat at kainin ang paningin ko ng kadiliman.
Elijah
Pabalik na ako sa camp namin nang makarinig ako ng putok ng baril.
"s**t!" Ani ko.
Napatingin ako sa paligid. Sino nag-paputok nun? Yung Killer ba? May namatay na naman ba?
Binalik ko muli ang atensyon ko sa camp at binilisan papunta doon, nang marating ko ang camp ay wala pa atang mga tao.
Pumasok ako sa loob ng tent ko at kinuha agad ang bag ko. Kinalkal ko ito at tinaktak sa pag-hahanap ng baril at bentey-nuwebe ko pero wala akong nakita.
'Nasaan na yun?'
Napakagat ako sa labi at hinampas-hampas ang noo sa inis. Nasaan na yun? Sino ang kumuha? Yung Killer ba?
Argh. Nakakainis. Tang ina! Naisahan ako. Binato ko ang bag ko ng padabog.
"Magbabayad ka talaga kung sino ka man!" Bigkas ko ng may galit at diin nang makarinig ako ng mga yapak papunta sa camp.
Hinawi ko ang buksanan ng tent at sinilip ang mga parating, ang mga kaibigan ko.
Lumabas ako at nag-lakad papunta sa kanila. Nag bilog-bilog sila na parang mag-pupulong.