Skye's POV *Sighs* Napahawak ako sa medyo sumasakit ng batok ko matapos kong kunin ang suot-suot kong reading glass sa mga mata ko. Gusto ko pang magpatuloy sa pagbabasa ng libro ngunit hindi ko na kaya pa. Napaiwas at medyo nagulat ako sa pagdapo ng dalawang kamay sa magkabilang balikat ko. "Moon?" Anito nang mapagtanto ko kung sino ang nagmamay-ari ng mga iyon. Bahagyang inikot ko ang swivel chair ko paharap sa kanya. Lumuhod naman siya agad at matamang sinalubong ang mga tingin ko sa kanya. Sabay ngiti. Sabay kuha sa kanang kamay kong nakapatong sa kamayan ng inuupuan ko. Sabay halik dito. "Can I ask my girlfriend to sleep with me tonight?" Malambing na tanong niya. Sabay pisil sa kamay kong hawak niya pa. Sinadya kong ngitian na rin siya kasabay ng pagtaas ng isang kila

