Star's POV "Matagal ko ng alam na may crush sa'yo ang pinsan kong 'yon!" Heto't magkasama na kami ni Skye na nag dinner dito sa labas. Napagdesisyunan naming mag seafoods na lang kaya napadpad kami rito sa bonggang resto sa may tabi ng dagat. Nilalamig na tuloy ako! Kung sa Chowking na lang kasi sana eh. Pero ako rin naman ang nag suggest ng lugar na'to kaya wala na akong magagawa pa kasi nakapag order na rin naman. Shunga lang kasi star? "Matagal mo ng alam tapos 'di mo man lang naikwento sa akin kahit ni minsan?" Medyo nagtatampong tanong niya sa akin. "Eh secret lang daw kasi dapat namin 'yon ni Moon eh. Kapag sinabi ko raw sa'yo, ikukulong niya raw ako sa imburnal." "As if kaya niya naman eh mahal ka 'non Star!" "Eh inaaway nga ako 'non!" Parang nakakadiri namang pakinggan na m

