Moon's POV "Do you think we can win over them?" Salubong na tanong sa akin ni Skye habang nasa mga magulang ang tingin. Kakatapos lang naming maglagay ng net ni Tita Rian nang kausapin siya ni Tita Loree kaya lumayo na muna ako sa kanila at piniling magpasilong na muna rito sa lilim na bahagi ng patio nila. Medyo mainit na rin kasi at hindi roof type ang court nila rito sa likurang bahagi ng malaki nilang bahay. "If we'll have teamwork then maybe we could. Di rin naman marunong maglaro si Tita Loree di'ba?" Nakangiti kong sagot-tanong sa kanya tho hindi naman siya sa akin nakatingin. Halatang halata na iniiwasan niyang mapatingin sa akin. Di ko rin lang maiwasan ang mapangiti sa katotohanang siya ang may gustong imbitahan ako to play against her parents... At gusto niya rin akong magi

