ONE

1402 Words
"Hera mag-usap tayo. Hindi pwedeng ganito. Hindi porket hindi mo ako mahal ay aalis ka nalang kung kailan mo gusto. Hindi mo ako mahal pero kaibigan mo ako at alam mo ang nararamdaman ko sa'yo. Ganun nalang 'yon?" galit na sabi sa akin ni Kristian. Mahigpit na hawak niya ang braso ko at pinipigilan akong makawala sa kaniya. I know he loves me but I can't love him back. Hindi ngayon dahil wasak na wasak pa ang puso ko. Hindi ko kayang magmahal ng iba pa. Maaaring pagdating ng panahon pero hindi ngayon. Ayoko siyang iwan pero pareho naming kailangan ito. Parehas lang kaming masasaktan lalo kung nandito ako dahil alam ko sa sarili kong hindi ako makakaalis sa pagmamahal kay Uno. "Kristian-" "H'wag. H'wag kang magsasalita. Ayokong marinig ang rason mo. Ayoko. Hindi ka aalis, Hera. Hindi!" Mariin niyang sabi. Namumula ang mga mata niya at pinipigilan ang pag-iyak. You can't cry, Kristian. Hindi ko kayang makitang nasasaktan kita. "Kailangan natin ito, Kristian. Kailangan kong umalis kasi kailangan kong mag-move on-" "Hindi ba pwedeng dito ka na lang? Tutulungan kita. Kapag kailangan mo ako alam mong agad kitang pupuntahan. Hindi ka aalis. Hindi pwede," umiling iling ito. Lumapit ako sa kaniya at ikinulong ang mukha niya sa kamay ko. "Kristian, kailangan ko 'to. Kailangang kailangan-" "Pero mas kailangan kita. Kailangan kita dito. Ikaw lang, Hera. Kung aalis ka sasama ako" sabi nito pero ako naman ang umiling. HIndi pwede dahil kapag tinitignan kita naaalala ko siya.  "Hindi pwede-" "Then, you are not going anywhere. Gagawin ko lahat, Hera. Please, huwag ka ng umalis. Huwag mo naman akong iwan ng ganito. If you need a shoulder to cry on, you can have mine. Kahit ano, Hera. Kahit ano, nagmamakaawa ako" pumiyok ang boses niya at naglandas ang masaganang luha sa mukha niya. Kinagat ko ang labi ko at pinunasan iyon. Bakit kasi hindi nalang siya ang minahal ko? Bakit kailangan si Uno pa? Bakit kami nasasaktan  pareho kung pwedeng maging masaya kami? Bakit hindi nalang siya dahil kung may tao mang alam kong nagmamahal sa akin ng tunay, alam kong siya iyon pero nagagawa ko siyang saktan ng ganito dahil ang pesteng puso ko ay iba ang taong nilalaman. Kung pwede ko lang turuan ang puso ko na mahalin siya at kung may nabibili lang na gamot na pwedeng inumin para agad mawala ang sakit ay bumili na ako para pwede ko na siyang mahalin pero wala. Hindi ko magawa. "Magiging unfair ako kung ganun Kristian. Magiging unfair ako sa'yo at ayokong mangyari 'yon. Kailangan kong hanapin yung sarili ko. Buoin’ yong ako" pinipilit kong patatagin ang sarili ko. Pinipilit kong huwag umiyak dahil alam kong mas lalo ko lang siyang masasaktan pag nangyari iyon. "I don't care, Hera. I don't really care if that's unfair. I don't care anymore. I want you to stay here with m. Kahit hindi mo ako mahalin. Stay here, please. Mababaliw ako kapag nawala ka. Hindi ko kaya!" pagpipilit niya parin. Umupo siya sa kama pero hawak hawak parin niya ako at hindi niya talaga ako bitawan. "Masasaktan lang kita, Kristian" mahinahon kong sabi. Pumikit ako ng mariin. "I don't care. Sinabi ko na wala akong pakialam hindi ba? Basta nandito ka. Basta nakikita kita. Sapat na sa akin iyon at least alam kong nasa akin ka parin kaysa ang malayo ka sa akin na ni kahit kaonti sa'yo ay wala akong mahawakan" diretso niyang sabi sa akin pero umiling ako.  “Ako… may pakialam ako kasi ayaw kitang masaktan Kristian Fourth…” Hindi ko alam kung saan niya nalaman na aalis ako. Nagsusulat palang ako ng farewell letter ko sa kanya pero biglang kumalabog ang apartment ko at iniluwa siya ng pinto ko. "Kakayanin mo kapag umalis ako. Kakayanin mo para sa akin. Para hindi ako mag-alala." "No. Sinabi kong walang aalis at walang aalis. Ayoko. HIndi pwede" giit niya parin. "Then take me, Kristian. Make love to me" seryoso kong sabi na siyang nagpahinto sa kanya at nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko gayong alam kong kahit anong gawin ko at gawin niya ay aalis ako. Aalis ako para pagbalik ko ay pwede ko na siyang mahalin katulad ng pagmamahal niya ngayon sa akin. I need to fix myself so that I can be worthy of his love. He doesn't deserve me. He deserves someone who can also give the world to him. Mahal niya ako kahit hindi ko magawang masuklian ang pagmamahal niya. Mahal niya ako kahit nakikita niya akong nababaliw sa iba. Mahal niya ako kahit sobra na siyang nasasaktan. Mahal niya ako pero hindi ko iyon magawang masuklian kaya kahit ito man lang maibigay ko sa kanya. A piece of me. A peace of assurance that I will come back. Kapag maayos na ako. KApag handa na akong tanggapin siya. Bago pa man siya tumutol ay hinalikan ko siya. Naramdaman kong inilayo niya ang sarili sa akin pero mabilis kong inikot ang kamay ko sa leeg niya at umupo paharap sa kaniya. Diniinan ko ang halik at idinikit ang katawan ko sa kanya hanggang sa maramdaman kong humahalik na siya pabalik sa akin. May mga brasong yumakap sa likod ko at inaalalayan ako para hindi malaglag. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit niyang mga palad na humahaplos sa isang hita ko at ang isang kamay niyang pumapasok sa suot kong damit. Nakakalasing ang halik niya, nakakabaliw. "Kristian" daing ko ng panggigilan niya ang ibabang labi ko. Suminghap ako ng bumaba sa leeg ko ang halik niya. Kakaiba ang sensasyong pinapadama niya sa akin. Ramdam ko ang pagmamahal niya. Halos mapaliyad ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa loob ng damit ko. Nawawala na ako sa sarili dahil sa sarap ng pinapadama niya. Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang init at ang kagustuhan sa ginagawa niya. Tumigil siya at hinarap ako sa kanya habang itinataas ang laylayan ng T shirt ko. "Akin ka, Hera. Walang Uno. Walang iba kundi ako. Mahal kita at akin ka" hindi ko alam kung bakit ako tumango. "Say it!" utos niya niya. "S-sayo ako." sambit ko. "Kanino?" tanong niyang muli na parang hindi siya satisfied sa sagot ko. "Sa'yo lang, K-kristian Fourth- Ugh!" Naramdaman kong umangat ako. HInalikan niya akong muli at muli kong nakalimutan ang lahat maliban sa kaniya. Bago lumapat sa kama ang likot ko ay narinig kong may napunit. Before I knew it, I felt his hot mouth on my left breast. D*mn! I know he will take me. I know I'm doing the right thing. NAGISING akong masakit ang katawan. Medyo madilim pa ang paligid at himbing na himbing sa pagkakatulog si Kristian sa tabi ko. That night was perfect. Pinaramdam niya sa akin ang tunay na pagmamahal. Na kahit gaano ako nasasaktan ay mahal na mahal niya ako. Walang Kristoff na pumasok sa isip ko kagabi kundi siya lang, si Kristian Dela Marcel, ang lalaking mahal na mahal ako at ibibigay sa akin ang lahat kaso hindi ko kayang suklian iyon. "I'm sorry" hinawakan ko ang pisngi niya at ginawaran siya ng halik bago tumayo sa kinahihiligan ko. Kailangan kong umalis. I know magagalit siya but I have to do this. I have to leave to fix myself. I'm so broken. Kahit masakit ang katawan at ang gitna ng mga hita ko ay nagawa kong magpalit. Tinignan ko siyang muli habang natutulog. Walang kamuwang muwang sa nangyayari. "Babalik ako, Kristian. Babalik ako kapag alam kong ikaw na ang mahal ko. Kapag wala na ang sakit. Babalikan kita dahil sa pagkakataong iyon magiging akin ka na. Tatanggapin kita ng buong buo at alam kong di kita sasaktan" bulong ko sa kaniya bago tuluyang umalis. Mabilis ngunit maingat akong umalis. Pagkababa ko ay sumakay ako kaagad ng taxi na maghahatid sa akin sa bahay. Muli kong tinignan ang building ng aking apartment. Nginatngat ko ang kuko ko para pigilan ang pag-iyak ng may kumikinang sa kamay ko. Kunot noo ko iyong tinignan. Isang asul na singsing ang nakalagay sa palasingsingan ng kamay ko. Tinanggal ko iyon at tinignang mabuti dahil hindi ko maalalang may suot ako na ganito kagandang singsing. Tinitigan kong mabuti at may naka-engrave na letra sa loob. Maliliit lang iyon kaya inaninag kong mabuti. KFDM's P "Kristian Fourth Dela Marcel's Property?" Halos mapamura ako nang maalala kung ano ang singsing na iyon.  The Dela Marcel’s mark. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD