“Bakit ba hindi ka mapalagay? Hindi ka na guguluhin ni Ridge, dapat natutuwa ka pa,” sabi ni Nestlyn. Napabuntong hininga ako. “B-bakit niya binigay ang lahat ng assets niya sa 'min ni Rina? Naguguluhan ako sa kinikilos ni Ridge. Bakit ba niya 'to ginagawa?” tanong ko saka napasabunot sa sarili kong buhok. “Ayaw mo no'n? Instant milyonarya kayo ni Rina. Grabe, ngayon lang yata ako natuwa kay Ridge. Libre mo kami ng house and lot,” pagbibiro ni Mea. Tiningnan ko lang siya ng masama. “Wag mo na masyadong isipin 'yon. Ang mahalaga hayahay ka na, sa dami ng pera ni Ridge na binigay sa inyo, kayang buhayin pati magiging apo mo sa talampakan kahit di ka na magtrabaho,” segunda naman ni Gio. Napairap na lang ako. “Wala naman akong pakialam sa pera niya eh, kaya kong buhayin kaming dalawa ni R

