Habang siya ay nag-aaral para makabalik sa akin sa hinaharap, hindi ko alam kong mahihintay ko siya sapagkat ako ay nawawalan na ng pag-asa. Ang sulat na kanyang ipiningako ay tila naging hangin lamang. Wala akong natanggap na sulat o kahit ano galing sa kahit sino. Gusto ko nang bitawan si Hereneyo, ngunit paano kung may dinadala akong anak nito? Minsan ako ay naduduwal at nahihilo, hindi ko lamang matukoy kung sintomas iyon ng pagbubuntis o dahil sa gutom. Hinihiling kong dahil lamang iyon sa gutom, dahil hindi ko maipapangako ang isang matiwasay na buhay sa magiging anak ko. Kahit nga ang pagkain ay kulang kami paano pa ang ibang bagay na aking kakailanganin. Maling desisyon na nagpadalos-dalos at nagpadarang ako sa aking nararamdaman. Nagsisi ako dahil posibleng may walang muwang na

