Ang Pasacao ay kasalukuyang itinuturing na Summer Capital ng probinsyang Camarines Sur sa Bicol o ang ika-limang rehiyon ng Pilipinas. Ito ay itinuturing na Summer Capital sapagkat karamihan sa mga Bicolano— mga taong nakatira sa Bicol, ay bumibisita sa lugar tuwing sumasapit ang bakasyon upang magliwaliw at maligo sa dagat.
Isa sa mga atraksiyon sa Pasacao ay ang bundok sa gitna ng karagatan nito na tinatawag na Daruanak, makikita iyon sa Sitio Balogo. Marami pang ibang atraksiyon sa lugar. Nariyan ang Sitio Caranan na nasa may bandang dulo na ng Pasacao, Santa Rosa, Dalupaon, Antipolo, at iba pang mga Sitio.
Bukod sa mga bisita galing sa ibang munisipalidad at lalawigan, mayroong ring mga tao sa Pasacao na naninirahan.
Sa Pasacao naganap ang kuwento sapagkat sinasabing ang lugar na ito ay puno ng paghihirap, kaguluhan, at pagdurusa dahil sa kasaysayan ng heograpiya nito. Isa ang Pasacao sa mga lugar kung saan naganap ang mga pandarambong ng mga piratang Moro noong panahon ng mga Espanyol.
Ang mga karagatan sa Pasacao sa kasalukuyan ay nananatili ang mga bagay na makapagpapa-alala sa mga kaganapan noon. Hanggang ngayon ay naroon parin ang mga barkong ginamit nang mga tao noong panahon ng paghihirap ng lugar. Nasa kailaliman man iyon ng dagat ngunit naroon ang halos lahat ng mga kagamitang magpapakita sa tinamo ng Pasacao.
Tulad nang mga barko, may pagkakahawig ang nakaraan ng Pasacao sa istorya dahil sa talaarawan na siyang mismong simbolo ng buong kuwento. Bukod pa rito, tulad nang pagdarambong na pinag-planuhan, tila nasa plano rin ng tadhana ang kinahantungan nang mga karakter.