Kamusta na kaya si Emmanuel? Masaya kaya siya ngayon sa langit? Sa edad ko ay hindi malayong sumunod na ako roon anumang oras. Sana ay makita ko agad siya pag ako ay sumunod na dahil hindi talaga ako sanay na wala siya sa paligid ko. Si Hereneyo siguro ay masaya na rin sa kung nasaan man siya. Hindi na siguro pinagayan ng tadhana na magkita pa kaming muli. Maayos lang iyon at tanggap ko na. Nakakapagtaka lang minsan kung ano ang napag-usapan ng aking asawa at dating nobyo noon. Kung bakit hindi iyon sinabi sa akin kaagad ni Emmanuel at kung bakit hindi na muling bumalik dito si Hereneyo. Palaisipan parin iyon sa akin hanggang ngayon. Sana ay nagkaintindihan sila sa kanilang pag-uusap. May plano ang panginoon, tiyak ko iyon. Napatitig na lang ako sa ataul ni Lola sa harap. Bakit ganoon?

