Kabanata 17

1232 Words

Enero 24, 1899 Sa aking talaarawan, Magandang gabi sa iyo, kuwadernong kaibigan! Napakasaya ko na naman ngayong araw. Pinayagan na ako nila inay at itay na mag lakong muli dahil sa walang palya kong masarap at maagang paghahanda ng hapunan namin, idagdag pa ang palaging malinis naming bahay. Nakakatuwa lang dahil hindi na kailangang tumakas pa ako para lamang makapaglako. Namingwit ako ng isa sa daungan kaninang madaling araw, kasabay ng mga kaedaran kong namimingwit rin. Bilang lamang ang nahuli kong isda pero masasabi kong sapat na iyon para ipagbili. Tuwang-tuwa na naman ang mga Americanong mamimili ko dahil napakalalaki raw ng mga isdang huli ko. Singkong barya ang ibinigay nila sa akin na ibinigay ko naman lahat kay inay para lalo silang matuwa sa akin. Nang maghapon ay nanatili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD