JILLIAN 4 YEARS LATER. "O, what's Mama said when baby Jewel Maxeen went inside the classroom?" "Say good morning teacher, good morning classmate." "And?" "Behave." "And?" "Listen while teacher talking." "And?" Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa muling tanong ko. Napangiti ako ng maalala ko ang parehong expression ng kanyang ama sa tuwing hindi no'n nagugustuhan ang sinasabi ko. Parang kailan lang ang huling usap naming dalawa. Kahit apat na taon na ang lumipas hanggang ngayon subrang sakit pa rin ng mga katagang sinabi niya sa akin. Kung subrang galit ang naramdaman ko at sakit sa lahat ng kahayupan na ginawa ni Itay sa amin ni Inay noon, mas matindi at malala ang ginawa niya sa akin habang ipinagbubuntis ko ang anak namin--ayy hindi, anak ko lang pala na si Jewel. Dahil ayaw n

