Arkin's POV;
Hanep Dash nakita mo yung itsura nung isa dyan, nang makita nyang dumating na naka motor si Keonna?
Kung nakaka patay yang titig mo pare,kanina pa pinaglalamayan si Miss Yu sa uri ng titig mo sa kanya! saad naman ni Acyrus,
Alam nyo kasi mga pre inlove lang yang besf friend natin ayaw lang nyan aminin! " isa pa 'tong sulsulirong si Dashmond.
Mag sitigil nga kayo dyan, kalalaki nyong tao ang dadaldal nyo, init initan mood nang magsitahimik ang mga buboyog sa paligid nya, kaso nakalimutan nyang mga kaibigan nya pala ang kasama nya, tatalab kaya ang palusot nya!
Pare hindi porket ikaw ang pinaka gwapo sa campus at ang birthday boy bukas ay dadaan muna kami sa mga palusot mong ganyan," saad ni kolter.
Pumaparaan ka pa dyan pare, kilala ka namin, haha, si Acyrus
At ne kailanman hindi pa namin na saksihan ang kinikilos mo kanina, kaya wag kami pare haha " sabat naman ng isang Dash Almonte.
"Tara sa Gym nalang tayo practice, aya ko sa mga pasaway kong kaibigan ni kahit kailan malas lagi sa buhay ko, daig pa ang mga imbestigador!
At Oo aaminin nyang hindi talaga sya natutuwa sa nakita nya kanina,wari nya'y sa pagiging smart girl nito'y lahat ng bagay ay parang walang hindi kayang gawin ang isang Shea Keonna Yu,
Canteen nalang tayo pare mag tatanghalian na rin naman.
Naku naku Acyrus puro lamon nalang ba ang alam mo? kaya siguro ilag yung mga kababaihan sayo eh,
Oo na poging dash kahiya naman sayo, ang malas naman talaga ni Trina sayo , ngising pang aasar ni Acyrus,
“Kapag ang mga ito ang kasama nya laging magulo ang mundo nya,san man sila naro'n ay hindi matahimik ang paligid!
Napagka sunduan nalang nilang sa tambayan ng mga girls sila tutungo, girls i mean tambayan nila Calise,at iisang subject lang din naman ang papasukan nila history subject! para kuno daw sabay sabay na sila papasok mamaya , Bumili na rin sila ng lunch nila at pati ang mga girls ay dinalhan na rin nila, na text na rin ni dash si Trina na wag na sila mag punta ng canteen dahil may mga dala na silang pagkain..
**********
Keonna POV;
Best deritso na tayo sa tambayn after nitong subject"bulong ni trina sa kanya “Okay maiksi nyang tugong dahil alam nyang mag iingay si tasha about sa pagkain nila.
Sis paano yung lunch natin?sabat agad nito , kita nyo na. talas ng pandinig!
Natatawang binatukan nalang ni calise ang katabi nyang maingay.
“Loko ka talaga, sige tash isigaw mo pa hindi pa dinig ng buong campus" gigil ni trina sa kapatid,
Wala ka talagang lugar sis! Hehe ngisi lang ang iginanti ng pasaway.
Nang matapos na ang last subject nila ay tinahak na nila sa music room ang kanilang favorite place, pagdating nila dun ay di nya inaasahan na ang akala nya eh ang boyfriend lang ng kainbigan nya pati rin pala mga kaibigan nito ay kasama,
Naiilang tuloy sya na di nya maipaliwanag kung bakit.
“Hi seniors" bati nila sa mga ito!
“Hay sa wakas dumating na rin kayo at kanina pa nag aaway tong mga alaga ko," ani Acyrus na may pahimas himas pa ng tyan.
“Pasensya na pag aantay mga seniors,hingi ko nang paumanhin.
Naku wala yun Keonna ikaw pa! sagot naman nito
“ May pizza ba? tanong ni calise
Meron " maiksing sagot ni Senior Smith,
“Good pizza nalang sa amin ni keonna cous' saad ni calise sa pinsan.
“No! calise hindi nakaka busog yan, mamaya na yung pizza! anya nitong masamang tumingin kay calise at... bumaling din sa'kin,
Anong kasalan ko at bat parang kasali ako?
Hinila ko nalang si calise na umupo na para dina humaba pa ang bangayan.
"I know calise pag dating sa pizza makiki pag bangayan muna bago ka mabusog!
May isang pahabang mesa din kasi sa loob ng music room sa bandang dulo nito, kaya misan dito na rin kami kumain pag tinatamad ng bumaba ng canteen,tumabi na rin ako kay calise na katabi nito ay si tasha at ang nasa dulo nya ay si senior Kolter" talagang hindi na nag paawat sa pagkain si tasha at nauna na nyang nilantakan.
Nakaka ilang man dahil magkatapat kami ni Senior Smith na panay ang sulyap nya, ng diko naman maintindahan kung bakit parang iba yung mga tingin nya, na para bang may naging kasalan ako sa kanya, ipinagwalang bahala ko nalang dahil nagugutom na rin ako.
Pagka tapos kumain ay kanya kanya na silang kwentohan, dahil hindi ako maka relate sa mga punag uusapan nila ay kinuha ko na lang ang aking guitara at lumayo ng kaunti sa kanila..
“Hindi ka lang pala marunog sa pag mo'motor pati ang pag g'guitara ay nakahiligan mo rin"..
Medyo" maiksi kong tugon kay senior Smith at ipinagpatuloy ko ang pag tipa ng guitara.
“Mukhang nagka mamabutihan na kayong dalawa dyan ah, singit ni Senior Kolter.
Pinagsasabi ng mga to, diko na pinansin ang magkakaibigan at pinag patuloy ko ang aking pagtugtog ..Alam din naman ng mga best friend ko na kapag hawak ko ang aking guitara ay wala na silang magawa kundi ang makinig ..
May sarili nanamang mundo, si calise,
Makinig at titigan nyo na lang ang isang yan, dahil pag hawak nya talaga guitar nya ,walang pakialam sa paligid yan! sabat naman ni trina.
**************