LIRA POV
Nakaka trauma ang ganito, bata pa lang ako ay takot na ako sa kidlat. My parents know about this kaya nga madalas akong matulog ng naka headset kapag malakas ang ulan sa labas ng bahay namin.
Pero mabuti nga ay nandito ang boyfriend ko na niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan niya pa nga ang aking ulo at hinaplos ito.
"Calm down Lira! Nandito naman ako sa tabi mo eh, ako ang bahala sayo okay? Ang maigi pa ay matulog na tayong dalawa!"
Humigpit pa nga ang yakap niya sa akin. Pinahiram niya ako ng damit at pajama tsaka kami magkatabi ngayon. Nakasandal nga ako sa kanyang malaking braso habang nakatitig sa kanyang mukha.
And while he is scrolling on his phone, heto ako at nakatitig sa kanya. Ang tangos ng ilong niya and his face card is the best. Hinawakan ko nga ang pisngi niya sa gigil ko. Pero nang lakasan ko ang pag pisil ko ay napatingin siya sa akin.
"Aray ko! Ano yun babe?" sambit niya.
"Hahaha! Wala... ikaw eh... imbes na kausapin mo ako ay abala ka sa pakikipag usap mo sa mga kaibigan mo!"
"Hindi sila ang kausap ko, ang kausap ko ay si Jessy. Yung gamit mo raw ay nasa kanya na. Medyo nagalit nga kasi nag laho ka ng parang bula eh!"
Mabuti naman kung ganun, "Patingin nga ako ng conversation niyo babe!" sambit ko.
Inagaw ko ang cellphone niya ngunit mabilis niya itong nilay and he locked it.
"Ano ba babe? Bakit mo papakialaman ang cellphone ko eh wala naman akong ginagawang masama?"
Nagulat ako kasi bigla siyang nagalit ng ganito, "What? Never akong nag isip ng ganyan babe. Ano ka ba? I will never do that! Kaibigan ko si Jessy at never ko siyang pag iisipan ng masama."
Nilapag niya sa table ang kanyang cellphone at ang sungit niya pa ring tumingin sa akin.
"Matulog ka na okay? At wag na wag mong susukahan itong kwarto ko dahil ang hirap mag laba!"
Mas lalo pa akong nagtaka sa nangyayari ngayon.
"Teka nga ha? Bakit ang init yata ng ulo mo?"
"Hindi ako galit! Matulog ka na at bukas ay maaga kitang ihahatid sa inyo!"
He said that is not angry pero yung tono ng boses niya ay tono ng isang galit na tao.
"Ano bang meron? Mainit ang ulo mo eh!" pangungulit ko pa sa kanya.
He just ignored me at napatingin tuloy ako sa buong paligid. Grabe, inaasahan ko na puro pictures naming dalawa ang nandito ngunit puro pictures lahat ng iba't ibang mga babae. Nag init na ang ulo ko sa selos. Ayaw ko nga sana mag away kami but I really can't help it.
"Hoy Reji, galit galitan ka pa diyan eh dapat nga na mas magalit pa ako sayo! Tingnan mo ang mga posters mo sa paligid, hindi ka ba nahihiya na ipapakita mo ang mga ito sa girlfriend mo ha?"
"Ano ka ba? Ang tawag sa mga yan ay inspirasyon. Kaya nga ako ginanahan mag aral kasi may ganyan sa paligid ko!"
Sa inis ko sa pagbibiro niyang hindi nakakatawa ay hinampas ko siya sa kanyang braso.
"Alam mo, loko loko kang lalaki ka ha! You're not funny at all, akala mo ay nakakatawa ang lahat ng mga biro mo eh!" sambit ko. "Tanggalin mo ang mga posters na yan mamaya or bukas if ayaw mong mag break up tayo!"
Tumingin siya sa akin, nagulat just like me. I was not expecting na magsasalita ako ng ganito sa kanya. Just hearing the word break up ay ang sakit na! Paano pa kaya kapag nangyari pa ito?
Nakasimagot ang mukha niya pero ang cute niya pa rin. Ayaw ko na maging malalim na ang usapan namin kaya kinurot ko na ang magkabilang pisngi ng gwapong boyfriend ko.
"Wag ka nang magalit please... hindi ko yun sinasadyang sabihin. Mahal na mahal kita Reji and I will never think of that. Eh alam mo naman siguro na selosa rin ang gf kaya ako ganito magsalita."
Akala ko nga ay mag tititigan lang kami pero ngumisi siya at hinawakan ang aking pisngi.
"Okay, promise ko sayo na gagawin ko ang bagay na yan. Bukas kapag nagising ka ay hindi mo na makikita ang mga posters. I am so sorry sa nagawa ko."
Ang lambot din talaga ng puso ko para sa lalaking ito. Sa isang sabi niya lamang ng sorry ay napatawad ko na siya kaagad. Inaakit pa nga ako ng kanyang mapupulang mga labi kaya bumigay ako kaagad sa tukso at ako na ang humalik sa kanya.
Matamis ang labi niya at nakakagigil itong halikan. Iba rin talaga kapag mahal mo ang taong kahalikan mo. May kulog at kidlat man sa labas ngunit kasama ko ang boyfriend ko at nag iinit na ang bawat sandali sa paghahalikan namin. I am not scared anymore.
Muli siyang pumatong sa harapan ko. Yakap yakap niya ako sa aking baiwang at ako naman ay hawak siya sa pisngi. Pero naging hayok ulit ang kanyang halik at bigla niyang dinakma ang aking kaliwang boobs kaya napatingin tuloy ako sa kanya at kumalas sa aming halikan.
"Teka..."
"Bakit? Ibigay mo na kasi ang sarili mo sa akin! Daks naman ako babe, mage enjoy ka sa gagawin natin. Kahit na wag mo na akong bigyan ng ano mang regalo sa ating anniversary. Just give yourself to me."
Nilamas niya ng may pang gigigil ang boobs ko pero tinulak ko siya papalayo sa inis.
"Even though boyfriend kita at ikaw ang pinaka gwapong lalaki sa campus, ayaw ko na ibigay sayo ang sarili ko. Mahal nga kita but I am not an easy to get girl so you need to wait hanggang sa ikasal tayong dalawa!"
Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha. He did not talk to me anymore. Sa halip nga ay natulog na siya sa tabi ko ngayon. I feel so guilty doing this to him ngunit ano ba ang magagawa ko? I am not ready to give myself to him. Sa lahat ng beses na nagsama kami, ito ang unang beses na nagtampo siya!