LIRA POV
Nandito ako ngayon sa kotse ng stepdad ng boyfriend ko. Pinagbuksan niya pa nga ako ng pintuan bago niya ako papasukin. Samantalang ang boyfriend ko ay nasa loob ng kanilang condo unit.
Nako, baka mayari siya nito mamaya sa papa niya kapag silang dalawa na lamang. Natatakot na ako sa kung ano man ang pwede niyang kahinatnan.
Sana pala kasi ay mas maaga pa akong umuwi sa bahay ko para hindi na ito mangyari. Ang bango ng kotse na ito ngunit ng pumasok siya ay mas nangibabaw ang amoy ng kanyang pabango.
Nakaka kaba and it feels so damn awkward na kasama ko siya ngayon dito sa loob. Malamang ay mayroon siyang sasabihin sa akin na hindi niya sasabihin sa harapan ng boyfriend ko.
But masasabi ko na hot daddy din siya at somehow ay kahawig niya si Reji. Para nga lang silang mag tropa kapag nag tabi sila. Ang hirap nga rin paniwalaan na hindi sila totoong mag ama.
Tapos ang lakas pa ng kanyang dating. Talagang hindi ko maiwasan na tingin siya. Mina magnet ako ng kanyang nakaka akit na hitsura.
"Mag seat belt ka muna bago tayo umalis," sambit niya.
Oo nga pala, sa sobrang lutang ko ay nakalimutan ko na mag seatbelt. Masyado akong na destruct sa kanyang physical appearance.
"Ay yes po," natatarantant sambit ko pa.
Sinubukan ko naman na mag suot ng seatbelt pero hindi ko magawang maisuot ito sa katawan ko. Dapat kasi ay sa likod na lamang ako umupo para hindi na awkward pa.
Samantala, nagulat naman ako ng lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nag kabit ng seatbelt ko. It's just so weird na masyado kaming close sa isa't isa.
Ang seryoso niyang tingnan. I don't want to talk to him sa ganitong klase ng distance kasi wala pa akong toothbrush kanina. At nahihiya rin ako kasi ang bango bango niya pa.
Pero after niyang isuot ang seatbelt ko ay bumalik na siya kaagad sa kanyang pwesto.
"Thanks po tito..." sambit ko.
I don't know what his name his at nahihiya ako na itanong. And speaking of that, never nabanggit ni Reji ang tungkol sa kanyang papa.
"My name is Argus. Hindi man lang ba nabanggit ng anak ko ang tungkol sa akin sayo ha?"
"Ay nababanggit naman po," sagot ko, "Ngunit puro kasi dad ang kanyang sinasabi eh. But nice meeting you Mr. Argus, sayang, sa ganitong paraan tayo nag kita. Sana po ay wag niyo akong husgahan. May respeto ako sa sarili ko at never pang may nangyari sa amin ni Reji. Pag aaral ang aming top priority kaya nga nag tagal din kami. We don't do anything aside from kissing."
Ang defensive kong magsalita. Mabuti na nga lang at sinabihan ko na si Reji na hindi pa ako ready na ibigay ang sarili ko sa kanya. At sana naman ay maniwala siya sa sinasabi ko.
"Ingatan mo ang sarili mo iha. Bata ka pa kaya bawal munang maging mapusok okay? Kahit na si Reji ang anak ko, ingatan mo pa rin ang iyong sarili. At wag kang matakot sa akin, ako ang bahala sayo. Wala naman sa mukha ko ang pagiging manloloko kaya wag kang mag alala."
Nang ngumiti siya sa akin ay napanatag na ang kalooban ko sa kanya. At least dito pa lang ay alam ko na mabait siya. I understand na nagulat siya at bahagyang nagalit ng makita ako kanina na sa condo nila and this is not going to happen again, I swear.
Para ko na para siyang pangalawang tatay nito.
"Yes po, may respeto po kami ni Reji sa isa't isa at makaka asa kayo na makaka graduate din kami parehas. Natulungan ko naman siya sa kanyang pag aaral kaya nakaka proud lang din po."
"Sobrang proud din ako sa anak ko at maraming salamat na ikaw ang naging girlfriend niya. Eh wala na akong magagawa pa rito kasi nanjan na ang nangyari. Hindi ko kayo mapipigilan kasi nagmamahalan kayo.
Pero ang gusto ko ay ang makilala ang mga magulang mo. Dapat ay sabihin mo na rin ito sa kanya. Mahirap ang mag sinungaling sa mga magulang at mahirap ang may tinatago. Para kang may tinik sa lalamunan na ang hirap tanggalin, tama ba?"
"Tama po, sure ako na magagalit ang family ko ngunit tapos na kasi nandito na si Reji. Actually, nakaka proud din na siya ang boyfriend ko. And I think we can both agree na si Reji ay isang gwapong lalaki. Sa totoo lang ay ang daming mga babae ang nagkaka gusto sa kanya sa school.
Ang hirap nga eh, kasi kaliwat kanana ng mga tukso. Pero si Reji, pinatunayan niya na kaya niyang labanan ang tukso so he gained my trust."
"I see! Paano nga ba kayo nagkakilala ng anak ko?" tanong niya.
Sinasabi ko na nga ba eh, kaya niya ako gustong ihatid sa bahay ay dahil sa kakausapin niya pa ako but I am glad na naging mabait siya sa akin. At sana ay ganito kami kahit na maikasal kami ni Reji. Yung iba kasing parents ay sa umpisa lamang magaling. Pag kinasal na ang anak nila ay akala nila kalaban na ang asawa. Ganyan ang mga napapanood kong palabas sa tv na batid kong nangyayari rin sa totoong buhay.
"Nagkakilala po kami through friend. Actually ay Jessy ang pangalan niya at matalik ko siyang kaibigan. Tinanong kasi ni Reji ang social media account ko sa kanya at binigay niya ito. And then nag chat siya sa akin and the rest is history po," paliwanag ko.
Feeling ko nga ay namumula pa ang pisngi ko ngayon and telling this story brings back those times na nag uumpisa pa lamang ang ligawan namin ni Reji at kahit na hanggang sa pagtanda ko ay alam kong dala dala ko ang kilig sa kwento na ito.
"Kung ganun ay talagang kayo ang magkakatuluyan nito sa isa't isa. Maraming salamat na nahikayat mo ang anak ko sa pag aaral. Sulit ang naging pagod ko sa Canada sa loob ng mahabang panahon."
Ang sarap sa tenga ng kanyang mga sinabi.