LIRA POV
Paglabas ko ay may kausap ang boyfriend ko sa kanyang cellphone. Naka upo siya sa sala at luto na ang sinangag na niluluto niya. Daig pa ako nitong si Reji, asa din kasi ako sa mga magulang ko sa bahay.
Nagluluto naman ako sa bahay pero yung mga basic lang. Never akong nag luto ng sinangag na kanin. I am looking at him right now and I could help but be so proud of him. Ito rin ang maganda kapag naging independent, walang ibang kikilos dito kung di siya lamang.
Nahuli niya akong nakatingin sa kanya at ngumiti pa siya.
"Baka matunaw ako sa kakatitig mo babe!"
"Sorry! Ang gwapo mo kasi talaga eh! You know what? Until this very moment, I cannot believe na ako ang nagawa mong piliin sa dami ng mga taong nagkakaroon ng gusto sayo. I don't even think that I am special, ang dami na ngang naiingit sa akin sa paligid eh!"
"Hayaan mo na sila, di ba sinabi ko na sayo dati na gusto ko ang pagiging exotic mo? Yung matalino ka na tapos tahimik pa! Mysterious girl talaga ang gusto ko sa lahat. Wag mo na sila pansinin, wala na silang magagawa kasi ikaw na ang pumutol ng pila. Sanay na ako sa mga babaeng trying hard magpapansin sa akin!"
Minsan ay ang hirap din mag bigay ng puri dito sa boyfriend ko kasi nakikita ko talaga na mas lalo siyang yumayabang.
"Ayan ang ayaw ko sayo babe eh! Minsan talaga ay nagiging mayabang ka rin kapag pinupuri ka!"
Mas lalo pa nga siyang namula ngayon, "Di ka pa ba sanay sa akin? Alam mo naman na gwapo lang ako pero kinulang din sa utak. Kung hindi mo nga ako tinutulungan na makapasa sa mga assignments at quiz ko ay babagsak na ako nito sa klase ko. Naiirita na nga ako kapag naririnig ko yung chismis tungkol sa akin na kumakalat na bobo raw ako sa klase at hindi marunong mag Ingles. Puro ako papogi at kamote sa mga subjects!"
Napakamot pa nga siya sa kanyang ulo kaya ako, heto at tumabi na sa kanya. Ang sakit din kasi talaga kapag naririnig ko ang ibang mga tao na nagsasabi kay Reji ng ganito. Grabe ang pang huhusga na natatanggap niya mula sa kanila. Hinawakan ko siya sa kanyang kamay at nagtagpo ang aming mga mata.
"Reji, hindi naman importante ang grades sa school. Oh ayan ha? Galing na yan sa akin na isang honored student. That is what I have realized but I am not regretting na nag aral ako ng mabuti for the sake of my parents. Sa totoong buhay, ang labanan ay diskarte. Balewala na ang grades mo, pakitang gilas lang yan sa mga tao pero ang totoo nito ay hindi ka payayamanin niyan. So sabay muna tayong mangarap okay? Patunayan mo na magaling kang dumiskarte sa buhay and you are just more than face!"
Ang haba ng sinabi ko sa kanya. Actually, I always remind him na wag pansinin ang mga ganung tao sa paligid pero I guess this is really one of my duties as his girlfriend kapag napang hihinaan na siya ng loob.
"Tama ka nga sa sinasabi mo ngunit wala pa kasi akong plano na mag trabaho pagka graduate. Ang gusto mo muna ay magpahinga ng dalawang buwan!"
"Ha? Are you sure about that? Ayaw mo bang kumita kaagad ng pera? Bakit mo balak magpahinga ng ganun katagal?"
Ngumisi siya, "Eh kasi hangga't maaari ay gusto kong makasama ang stepdad ko sa loob ng two months. Nag tatalo kami nitong mga nakaraang araw, ayaw ko na kasi siyang mag trabaho sa ibang bansa ngunit gusto ko na dito na lamang siya mag hanap ng trabaho. Mag isa ako sa buhay ng ilang taon at ayaw ko nang mag kalayo pa kami. Mahal ko ang stepdad ko kahit na hindi kami magkadugong dalawa. Tinrato niya akong parang isang tunay na anak!"
Dito ako mas lalong humahanga sa boyfriend ko eh! Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi niya. He really honors, love, and respect his father kaya nga ina admire ko ang ganito niyang pag uugali.
"He must be so proud of you kasi nagawa mong makapag tapos ng pag aaral."
"Yun nga eh! Ang laki din ng natulong mo sa akin kaya nga excited na rin ako na ipakilala kita sa kanya. Ngunit hindi sa ganitong paraan, ayaw niyang mag uwi ako ng babae rito sa bahay. Araw araw niya yang pinapaalala sa akin kaya nasunod ako. Sa graduation kita balak na ipakilala sa kanya ng personal hehe!"
"It's fine by me! Ang mahalaga muna rito ay magkaroon kayong dalawa ng bonding mag ama. Basta ang nais ko lamang, kapag nakita mo siya, yakapin mo ng mahigpit at sabihin mong 'I love you dad' para matuwa siya. Hindi yung hahanapan mo siya ng pasalubong!"
"Ano!! Ang over acting noon babe! Hindi naman kami ganyan ng stepdad ko. Ang love language namin ay murahan, madalas niya akong murahin at tsaka batukan. Never namin sinasabi sa isa't isa ang ganyan hahaha!"
"Weh? Kahit pa no! Kami nga ng papa ko, hindi kami nahihiya na mag sabi ng ganyan sa isa't isa kasi pamilya kami. Why not naman babe? Ang tagal bago kayo ulit magkita, hindi nakakabawas sa p*********i mo ang gagawin mo. Do it for your dad please!"
"Kain na lang tayo babe!" sambit niya na halatang ayaw gawin ang pinapagawa ko sa kanya.
Napatitig ako sa kanya habang siya ay nakain. Naaakit ako sa kanyang labi na ang sarap ulit halikan pero naalala ko na di pala ako nakapag toothbrush ng ngipin ko kasi wala ako sa bahay.
Tumigil siya sa kanyang pagkain at napatitig sa akin.
"Bakit babe?" tanong niya pa.
"Wala... kumain na tayo..." sambit ko.
Lumawak ng ngiti sa kanyang labi.
"We di nga? Kunwari ka pa eh! Sige na, kiss me on the lips kung gusto mo."
"What? Wag muna babe... wala pa akong toothbrush. Nahihiya akong makipag kiss sayo eh. Tsaka na kapag nag kita tayo ulit sa susunod."