Kabanata 34 A L E X A Isusuot ko pa lang sana ang helmet na inabot sa akin ni Lance nang biglang may bumosina sa likod namin. Sabay kaming napalingon ni Lance sa sasakyang pumarada doon. Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka nang makilala ang sasakyan ni Liam. Nang lumabas siya ng sasakyan ay saka ko pa lang lubusang napagtanto na narito nga siya. “Hindi mo sinabi may sundo ka pala.” Napalingon ako kay Lance nang sabihin niya iyon. May naglalarong ngisi sa mga labi niya habang inaabot mula sa akin ang helmet. Agad ko naman itong inabot sa kanya upang ibalik. “Salamat, Lance,” tanging sabi ko bago nagsimulang maglakad palapit kay Liam. Malalaki ang mga hakbang ko nang lumapit sa kanya dahil hindi ko maitatangging masaya ako sa pagdating niya. Nakatuon nga lang ang mga mata niya sa l

